Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Winwyn, single na uli; 3 taong relasyon kay Mark, tinapos na

TINAPOS na nina Mark Herras at Winwyn Marquez ang kanilang halos tatlong taong relasyon.

Ito ang ibinahagi kahapon ni Winwyn sa mediacon ng pelikula nila ni Enzo Pineda, ang Time And Again mula Regal Films na idinirehe ni Jose Javier Reyes at mapapanood sa Feburay 20.

Paliwanag ni Winwyn, mutual decision ang paghihiwalay nila ni Mark at iginiit na walang third party sa kanilang hiwalayan.

Hindi rin totoo na naghiwalay sila dahil sa pressure ng kani-kanilang pamilya.

“Yes, I’m single right now kaya wala akong plans ngayong Valentine’s day. And it’s a mutual break-up naman, maayos kaming nag-usap nang harap-harapan ha, hindi basta sa text lang.

“Magko-concentrate muna ako sa work ko, siya rin. But we still talk, maayos naman kasi ‘yung pag-uusap namin so, friend pa rin naman,” anang dalaga nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Hindi naman itinago ni Winwyn na iniyakan niya ang break up nila ni Mark, pero hindi naman siya ‘yung tipong kaka­limutan ang mga trabaho at commitments dahil sa lovelife.

Ayaw naman mag-elaborate ang beauty queen nang tanungin ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. “Huwag na, ibalato n’yo na lang sa amin ‘yun,” giit niya.

Dagdag pa ng dalaga, malaking tulong sa kanyang pagmu-move on ang mga trabahong ginagawa niya. Bukod sa Time & Again may isa pa siyang gagawing pelikula sa Regal Films at may offer ding teleserye ang GMA 7.

Kaya hindi niya naiisip o naiinda ang sakit ng hiwalayan nila ni Mark dahil abala siya sa trabaho.

Gusto niya ring magpaka-positive kahit hiwalay na sila ng actor.

Iginiit pa ng batang aktres na hindi niya isinasara ang posibilidad na pagkakabalikan nila ni Mark. “Mahirap namang magsalita ng tapos, baka bukas magkabalikan din kami. Pero right now, hindi pa talaga. Kanya-kanya muna kami ng priorities.”

Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Winwyn na isang leading material na siya.

“Parang hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin. Parang launching movie ko na rin kasi ‘yung story na umiikot kay Apple, ang karakter na ginagampanan ko,” sambit ni Winwyn. “I never thought I’d watch myself on the big screen. Hindi ko alam na mabibigyan ako ng ganitong opportunity,” anito.

Gagampanan ni Winwyn ang karakter ni Apple, isang NBSB (no boyfriend since birth), at writer. Naniniwala siya na hindi niya kailangan ng lovelife para maging masaya sa buhay hanggang sa makilala niya si Ozzi (Enzo) na biglang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay niya.

Masaya rin si Winwyn sa mga project na ibinibigay sa kanya dahil sa tagal na niya sa showbiz, ngayon siya nabibigyan ng malalaking proyekto at ito’y nangyari simula nang maging first Reina Hispanoamericana.

“Roon nag-start at nag-iba ang life ko. After that, parang one dream to another, na sabay-sabay, movies-movies, and then pageants, and then my advocacy program ako.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …