Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phillip, laging kabuntot ni Go

WHERE Bong Go goes, Phillip Salvador follows.

Saksi ang madlang pipol sa marami nang pagkakataon kung saan namamataang kabuntot ng dating SAP ang action star sa mga aktibidades ng una.

Noong idaos ang Gabi ng Parangal ng MMFF last year, na tumayong hurado si Bong, ay sisilip-silip lang sa The Theatre ng Solaire si Kuya Ipe. Sinamahan niya kasi roon si Go (although familiar sight naman talaga siya sa nasabing hotel…#AlamNa).

One time run ay sinamahan ni Kuya Ipe si Go sa radio guesting nito sa isang himpilan sa Mandaluyong City. Karay-karay din ni Go si Kuya Ipe nang mag-guest ito sa isang radio program sa himpilan sa Mandaluyong City.

Maging ang guesting ng former SAP sa Gandang Gabi Vice nitong February 3, nahagip ng camera si Kuya Ipe.

There’s more.

Saksi rin ang mga Pasayenos na dumagsa sa Cuneta Astrodome noong January 31 nang magpamahagi ng ilang kilong bigas si Go, at namataan din si Kuya Ipe.

Hindi na kami magtataka kung bibigyan ng mataas na puwesto ni Go ang action star sakaling palarin ito sa kanyang ambisyong mapabilang sa Top 12 ng mga mananalong senador.

‘Yun nga lang, hindi ba nakakawala ng sariling pagkakakilanlan si Kuya Ipe being identified with Go?

ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …