Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Dino Aiza Seguerra
Liza Dino Aiza Seguerra

Sperm donor nina Liza at Ice, caucasian at summa cum laude

MASAYANG-MASAYANG ibinalita ni Liza Dino ang ukol sa may napili na sila ni Ice Seguerra na sperm donor. Kasabay nito ang pagsasabing pinaghahandaan nilang mabuti ang bawat stage o phase ng in vitro fertilization dahil matagal ang prosesong ito.

Sa 10th anniversary presentation ng Spring Films, nakausap naming ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at naikuwento nito ang ukol sa sperm donor.

“Yes, mayroon na, sa cryobank in the US. Nakita namin ‘yung profile niya (photos and video), he’s Caucasian, and matangkad. At saka ‘yung napili namin parang summa cum laude. So more or less, nakilala na namin ‘yung donor. At ang mangyayari next is ita-transport siya (sperm) para ma-fertilize ‘yung egg ni Ice. 

“’Yung phase ng pag-implant, tatlong stage, siya eh. So ‘yung pangalawang stage (fertilization) sana soonest na mangyari. Ipi-freeze kasi uli ‘yun. And then kung ano ‘yung schedule, kung kailan ii-implant sa akin. Pero baka ma-delay lang dahil busy na tayo sa FDCP, so I’m thinking mga December,” sambit ni FDCP chair.

Kaya sa taong 2020 pa mabubuntis si Diñp bilang surrogate mother.

“Oo, kasi ‘di ba 100 years of Philippine cinema, so ang daming events. Sorry naka-factor ‘yung trabaho talaga. Kailangan lang kasi talaga ‘yung ginawa kay Ice. Kasi he’s not getting any younger. 

“Tapos pabawas na nang pabawas ‘yung pag-produce niya ng egg cells. So kailangan na talagang gawin soon kasi kung next year pa ito baka hindi na kaya,” paliwanag pa ni Diño.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …