Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ibyang, napamura sa director, mala-Nora na pag-iyak, nagawa

AMINADO ang director ng Jesusa na si Ronald Carballo handog ng  OEPM (Oeuvre Events and Production Management) na pinag-tripan niya si Sylvia Sanchez para gawin ang isang eksena.

“Sa sobrang galing ni Sylvia, with that particular scene na gustong-gusto ko talaga parang pinagtripan ko lang talaga siya. Kasi ‘yung luha, kung luluha ng normal na luha, magiging mashie ang pelikula, baka maging soap opera kasi ang mood ng film, from start to finish, quiet lang talaga siya. Mata-mata lang siya. Noong ginawa ko ‘yung scene na iiyak siya, sinabihan ko talaga siya ng puwedeng kaliwang mata lang papatak ang luha.

“Nagawa naman ni Sylvia at hindi lang iyon sa buong pelikula kung anuman ang gusto ko nagawa niyang lahat,” sambit ni Direk Ronald.

Paliwanag naman ni Sylvia, “Ang eksenang iyon, wala na, wala na lahat, ako na lang mag-isa, iniwan na ako ng lahat. Sabi niya pumunta ako sa bintana, tumingin ng malayo sa buwan. Walang movement ng kahit ano sa mukha, luha lang. Sabi ko, ‘okey’.

“Nakita ko ‘yung lugar madilim, so roon pa lang nadadala na ako. Habang nagsasalita si direk, nakikinig na ako. Nang bumalik na siya sa system, humiga na ako sa kama, noong nagre-ready siya, tulo na nang tulo ang luha ko sa kanan. Tapos biglang sabi niya, ‘Ibyang, ready ka na?’ Sabi ko naman, ‘yes direk’.

“Biglang sinabi niya, ‘okey, gusto ko kaliwang mata ang luluha.’ Tumingin talaga ako sa kanya at sinabi kong, ‘gago talaga itong director na ito’. Eh may lapel ako naririnig pala niya. Kaya sabi ko sa sarili ko, kalma lang, tapos noong sinabi niya kung ready na ako, sinabi ko na, ‘sandali lang direk, give me two minutes.’ Tapos sa loob-loob ko, sige na nga kaliwa, eh ayoko ng ginaganoon ako, dine-dare ako, so habang papunta na ako sa binate, kinakausap ko ang luha ko, sabi ko ‘wag kang tutulo, pagdating ko sa bintana, ‘sige na tumulo ka na, bayad ka naman, tumulo siya sa kaliwa.

“Sabi ko nga, alam ng mata ko, utusan siya kasi alam niyang bayad siya, hahaha,” natatawang kuwento ni Sylvia.

Sinasabing si Nora Aunor lang ang nakagagawa ng pag-iyak sa kaliwang mata. Ngayon, hindi na lamang ang Superstar ang nakagagawa niyon, maging si Sylvia ay natapatan si Ate Guy.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …