Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynez, nawawala sa sarili ‘pag kaeksena si Sylvia

SPEAKING of Sylvia Sanchez, sa tulong ng associate ng yumaong Tita Angge na si Annaliza Goma, nagma-manage na rin pala o nangangalaga ito ng mga artist, lalo na ang mga kapatid niya sa management ni Tita A like Smokey Manaloto.

Ngayon, ang kaibigan niyang si Ynez Veneracion ang nadagdag sa mga alaga nila sa kanyang management. Kaya si Ynez ang kinuha niya para maging kontrabida niya sa Jesusa.

Isang mahusay na aktres si Ynez (gaya nga ng sabi ni Vice Ganda sa kamukha ni Ynez na beki sa Q and A ng It’s Showtime) pero nilukuban ng sobrang nerbiyos sa unang araw ng shoot nila ni Sylvia.

“Ewan ko ba. Kahit magkaibigan kami ni Ate (Sylvia), nadadala ako sa emosyon niya. Eh ako dapat ‘yung magtataray sa kanya dahil ako ang kabit ng asawa niya (Allen Dizon).

“Pisikalan pa mandin ang eksena namin. ‘Pag tiningnan mo na kasi ang mata niya, mawawala ka. Sabi niya lang sa akin, focus! Take one! Kaso, kinailangang mag-take two kasi ‘di nakunan ng camera 2 ang eksena.

“Sabi ni direk kailangan ulitin.”

Next week, after na matapos ang mga eksena niya sa Jesusa, lilipad pa-Bangkok muna si Ynez with her friends sa Delmo’s headed by it’s owner Ana Abiera Del Moral and daughter Therese. Sa Delmo’s ang bagong watering hole ng magkakaibigan including OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio, Grace Ibuna, and mga kasama ni Ana sa  That’s Entertainment and non-showbiz friends.

May ibang ngiti kay Ynez ngayon. May dumadalaw kasi sa kanya at nagsisimulang manligaw. Taga-showbiz din, eh! Say niya ‘pag sinagot niya!

Akala ko ba foreigner ang feels niya? Sa Pinoy pa rin pala!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …