INILUNSAD muli ng Taguig City government ang Business One-Stop Shop (BOSS) program sa lungsod upang makapagbigay ginhawa sa entrepreneurs at business owners sa siyudad.
Sa 3-20 Enero 2019, ipapatupad muli ang BOSS program na walang weekend breaks, nang sa gayon ay maalalayan ang mga negosyante na abala sa kanilang mga gawain mula Lunes hanggang Linggo.
Muling mabibigyang ang mga negosyante ng mabilis at maaliwalas na pagre-renew ng kanilang business licenses at registrations sa maayos at iisang lugar.
Bukod rito, nagkaroon din ang mga business owner ng pagpipiliang venue para pagdarausan ng BOSS, at ito ay sa Taguig City Hall Auditorium o sa Kalayaan Hall at sa People’s Hall na matatagpuan sa Satellite Office ng SM Aura Tower simula 8:00 am hanggang 5:00 pm.
Ang BOSS ay isang paraan upang ipakita sa mga namumuhunan ang kanilang importansya at ang kulturang business-friendly sa Taguig.
Ang pagpoproseso ng business permits at licenses, ginawa na rin ng Taguig City government na maging memorable at komportable sa mga business representatives dahil mayroon pa silang libreng candies, biscuits at refreshments sa kanilang pagbisita sa BOSS.
“Taxes are the lifeblood of the city’s programs and social services,” paliwanag ni Business Permit and Licensing Office officer-in-charge Atty. Fanella Joy Panga-Cruz.
Dagdag ni Panga-Cruz, ang mga tax na ibiniabayad sa gobyernong lokal ay may katumbas na social services kagaya ng door-to-door delivery ng mga gamot at scholarship assistance, at marami pang iba.
“The more taxes we collect from the business community, the more we can provide services to Taguigeños,” ani Cruz.
Dahil sa maayos na serbisyo at pagiging compliant sa Republic Act No. 11032, kilala rin bilang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018,” ang Taguig City ay nakakolekta ng P2 bilyon sa pamamagitan ng BOSS program noong 2018.
“Transparency plays a vital role in our city’s successful conduct of BOSS. We strictly comply with the Anti-Red Tape Act (ARTA), especially the Zero-Contact Policy that only allows government personnel-client contact when its necessary so as to prevent fixers,” dagdag ni Panga-Cruz.
Ani Panga-Cruz, ang BOSS program ay malaki ang naging papel sa pagbabayad ng lungsod sa utang nito na P1.6-bilyong na inutang noon pang nakaraang administration. Ang malaking collection sa taunang BOSS, kasama pa ang collection ng Real Property Tax ng Taguig ay inilaan sa pagbayad ng utang. Bago natapos ang taong 2018 ay debt-free na ang Taguig.
Dahil dito, nakakuha ang Taguig ng Blue Certification Award mula sa Office of the Ombudsman dahil sa organisadong frontline services, at ang excellent rating na nakuha mula sa Civil Service Commission dahil sa pagiging compliant sa Anti-Red Tape Act.
Noong Disyembre 2018, ang lungsod ng Taguig ay nabigyan ng parangal bilang second place sa 2017 Bureau of Local Government Finance Collection Target for Business Tax na kumikilala sa local collection efficiency ng bawat local government units sa buong Metro Manila.
Ang Taguig City, sa kabila ng pagiging isa sa pinaka-batang syudad sa bansa, ay kinilala noong Agosto 2017 ng National Competitiveness Council of the Philippines bilang Most Improved Local Government Units sa kategoryang Highly Urbanized Cities.
Ang City of Taguig din ay kasalukuyang paboritong lugar ng mga top corporations, embassies at government offices. Marami rin bagong hotels, kolehiyo at unibersidad, shopping malls at iba pa ang lumipat na at nagtayo ng kanilang mga branch sa Taguig nitong mga nakalipas na taon.
Paborito nila ang mabilis na pag-unlad ng business districts sa Bonifacio Global City at ARCA South. Maging ang bagong Philippine Stock Exchange Tower ay binuksan na rin sa 5th Avenue panulukan ng 28th Street noong nakaraang Pebrero 2018.
“We are always thinking of ways to improve our services for our taxpayers. We wanted to stay true to our commitment that the City of Taguig is indeed a business-friendly city, and these achievements already speak for themselves. Rest assured that we will continue to strive harder towards better local governance and more efficient public service,” ani Taguig City Mayor Lani Cayetano.
(JAJA GARCIA)