Friday , August 15 2025
arrest prison

Killer ng mag-lola sa Plaridel timbog

MAKARAAN ang ilang oras matapos maganap ang krimen ay naaresto ng pulisya ang lalaki na pumatay sa isang lola at apo sa Plaridel, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan PNP provincial director S/Supt. Chito Bersaluna ang suspek na si Jhay Vincent Roco Marmeto na itinuturong pumatay sa mag-lolang sina Sylvia Castillo, 64, at Cyrene San Pedro, 14, at ikina­sugat ni James Cyrus Maliksi, 7, pawang resi­dente sa Isabel Village, Brgy. Tabang.

Matatandaan nitong Enero 7, dakong 6:00 ng umaga nang pasukin ang bahay ng mga biktima at pagtangkaang looban.

Nabatid na nanlaban ang lola kaya pinagsa­saksak ng suspek pati ang apo nito na kapwa naisugod pa sa ospital pero namatay din dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan.

Matapos ang naga­nap na krimen ay nag-alok ang pamahalaang lokal ng Plaridel sa pamumuno ni Mayor Jocell Vistan Casaje ng halagang P.1-M para sa ikadarakip ng suspek.

Bago makalayo sa ginawang krimen ay naaresto na ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong attempted rob­bery with double homi­cide at frustrated homi­cide.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *