Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnold Reyes, balik sa pagkanta sa Sana May Forever The Love Album

NAGBABALIK sa pagkanta ang mahusay na aktor na si Arnold Reyes sa pama­magi­tan ng isang compilation album na pina­mag­tang Sana May Forever, The Love Album. Si Arnold ang nag-produce nito para sa LST Music Productions at kasama niyang nag-perform ang iba’t ibang artists.

Kilala si Arnold bilang magaling na aktor na nanalo ng awards sa mga peliku­lang Astig at Birdshot. Pero ang hindi alam ng marami, nag­simula siya bilang singer na bahagi ng boy group na Voysboys.

Kabilang sa 13 songs sa kanilang album ang Sana May Forever ni Arnold, Bakit Mahal Pa Rin Kita by Brenan Espartinez, Our Shadows Can’t Lie ni Jingle Buena, Kung Malayo Ka by Lharby Policarpio, My Heart Aches ni Suy Galvez, “Hindi Na Ba” by Renz Verano, “You Color My World” by Jingle Buena, Wala Lang Ba Talaga by Pat Cardoza, In Love Ako Sa’yo by Raynald Simon, Hindi Ko Kaya ni Chivas Malunda, Ikaw Yun by Laarni Lozada at ang Mahal Kita by Faith Cuneta.

Si Arnold din ang sumulat ng mga kanta rito in collaboration with Mrs. Lorna Tobias.

Paano ba nabuo ang album na ito?

Kuwento ni Arnold, “I did a show in Sta. Ana, isang bayan sa Cagayan Valley, and I met there Mrs. Tobias, the wife of the town’s mayor, Darwin Tobias.”

Nagkataon daw na si Mrs. Tobias ay isang music lover at sinabihan si Arnold na gawan ng kanta para sa campaign slogan ang kanyang mister. Ayon kay Mrs. Tobias, “I enjoyed helping him write the song and the whole process of creating music, so we thought of doing a full album. I know the music industry is down ngayon, wala nang CD’s at puro digital na lang. But I felt I have to do this kasi music is my passion.”

Available na ang naturang album sa lahat ng digital platforms worldwide tulad ng iTunes, Google Play, Amazon, Deezer, ed baby or Spotify. Like & share their “LST Music Production” fan page in Facebook and follow their Instagram account @lstmusicproduction. Para makabili ng album, you may text or call Ranjo Isip at 0917-8822773.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …