Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA, ‘di imposibleng maglunsad ng sariling version ng studio tour

HINDI siyempre mawawala ang mga bossing ng Corporate Communications Department ng Kapamilya Network sa tuwing idaraos ang Christmas media party.

Idinaos ‘yon nitong Miyerkoles (December 12) sa Studio Experience sa 4th level ng Trinoma. Ito ang bagong atraksiyon ng ABS-CBN para sa kanilang mga tagasuporta, na there are at least seven booths na maaaring subukan ng mga dadagsa roon.

Ito’y mga programa ng network in “miniature form” yet sina-simulate ng mga ito ang karanasan of being part of any of those.

Si Aaron Domingo ang nag-estima sa entertainment media with the ushers’ assistance. Makaraang mag-enjoy ang press sa Studio Experience ay si Aaron pa rin ang bumangka hanggang sa party venue—at a Korean resto—sa ikatlong palapag naman ng nasabing gusali.

Katuwang niya ang CorpComm VP na si Kane Choa na nakapansin sa pagiging hyper ni Aaron, kung paanong hyper din naman ang mga dumalong miyembro ng media.

Sumubok ang inyong lingkod sa tatlong attractions. Pero ang talagang ayaw namin palampasin ay ang Starlabs.

Nahahati sa ilang cubicle ang loob nito, pero ang culminating part ay ang Fast Talk, halaw sa segment ng Tonight With Boy Abunda.

Tulad ng totoong pagsalang sa nasabing segment, pamimiliin ka ni Kuya Boy mula sa dalawang bagay. Pabilisan ito sa pag-iisip, ‘ika nga, first thing that comes to your mind.

Exciting ang karanasan na ‘yon, hindi lang para sa amin at sa marami pang magkakainteres na subukan ‘yon. There are six more attractions to choose from.

Hindi kami magtataka kung may maligaw pang Kapuso viewers din sa Studio Experience, eager and curious kung ano ang pambato ng estasyon next to their choice.

Who knows, baka pretty soon ay maglunsad din ang GMA ng kanilang sariling version ng studio tour?

Magandang abangan ‘yan, right?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …