Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nella Marie Dizon Allen Dizon
Nella Marie Dizon Allen Dizon

Nella Marie Dizon, may pressure sa pagiging anak ni Allen Dizon

SI Nella Marie Dizon ang 16 year old na dalagitang anak ni Allen Dizon na mapapanood sa pelikulang Rainbow’s Sunset, entry sa 2018 MMFF. Aminado si Nella Marie na may pressure sa kanya dahil kilala ang ama niya bilang isang award winning actor.

“Opo, siyempre po (may pressure). Kasi po, baka po I’m not what they expected po. Minsan po naiisip ko ‘yun kasi po si daddy po ang galing niya po, mara­ming awards, tapos baka ka­pag nakita nila ako, baka sa­bihin nila na… parang wala po sa kalingkingan (ni Allen)…”

So ano’ng ginawa niya, lalong pinagbutihan ang kanyang pag-acting? Sagot ni Nella Marie, “Hanggang ngayon po, I’m still trying to improve, kasi po noong pinanood ko po ‘yung mga scenes ko sa movie, parang ‘di ko pa po nakukuha ‘yung gusto ko as an actress po,” saad niya na unang napanood sa mga pelikulang Marino at Childhaus.

Paano niya ide-describe si Allen bilang tatay? “He only wants what is best for you po, saka kung alam niyang makabubuti sa iyo, go po siya roon.” Ano ang ipinayo ni Allen sa kanya para sa pelikulang ito? “Kapag sinabihan daw po na may mali ako, tanggapin ko na lang po tapos ay ayusin ko ‘yung mali ko. And sabi po niya ay pagbutihan ko raw.”

Nabanggit din ni Nella Marie na malaking blessing para sa tulad niyang newbie actress ang maging bahagi ng pelikulang tulad ng Rain­bow’s Sunset. “Masasabi ko po na masuwerte ako. Ang blessed ko po na ibinigay po sa akin yung role na ito, tapos, hoping for more projects po,” aniya pa.

Anong masasabi sa director nila ritong si Joel Lamangan? “Proud po ako kasi una sa lahat, si Direk Joel Lamangan po ‘yung director. Tapos po magagaling po ‘yung mga artista, parang assured na po na maganda ‘yung kalalabasan ng movie.”

Ang Rainbow’s Sunset mula sa Heaven’s Best Entertainment Productions ay isang family movie na tamang-tama para sa buong pamilya ngayong Pasko. Pati ang LGBT community ay tiyak na maaantig sa peliku­lang ito.

Matutunghayan sa pelikula ang mahu­husay na pag­ganap ng bigating cast sa pa­ngunguna nina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa. Tam­pok din sa Rain­bow’s Sunset sina Aiko Melendez, Tirso Cruz III, at Sunshine Dizon. Kasama rin sina Jim Pebanco, Sue Prado, Max Collins, Marcus Madrigal, Noel Comia, Ross Pesigan, Ali Forbes , Hero Bau­tista, Vince Rillon, Zeke Sarmenta, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …