Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

Maine, nagsalita na ukol sa tunay nilang relasyon ni Arjo

SA wakas ay binasag na ni Maine Mendoza ang kanyang katahimikan hinggil sa mahaba-habang isyu na rin nang pagli-link sa kanila ni Arjo Atayde.

Sa panayam sa kanya sa presscon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay inihayag ni Maine na MAGKAIBIGAN lamang sila ni Arjo.

Sa pagpansin sa pagiging blooming niya, ang sagot ni Maine ay…

Siguro, masaya ako.”

Masaya rin ba ang puso niya?

Oo.”

Tinanong si Maine sa madalas na sightings na nasa labas sila ni Arjo at gumigimik.

Friends kami,” pahayag ng dalaga.

Hindi rin nanliligaw sa kanya si Arjo.

Hindi, friends kami. We’re going out as friends.”

At tungkol sa paglabas-labas nila, “Getting to know each other first.

“Siyempre, paano mo makikilala ang isang tao kung hindi kayo magsasama at mag-uusap?”

Kumusta si Arjo?

Okay naman siya. Tanungin niyo siya,” sagot niya.

Umiwas naman si Maine na sagutin ang tanong kung ano ang nagustuhan niya kay Arjo.

Ano ba ‘yan?”

Ang Jack Em Popoy (The Puliscredibles) ay ipalalabas sa December 25 bilang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 na bida rin bukod kay Maine sina Vic Sotto at Coco Martin, sa direksiyon ni Mike Tuviera.

Ito ay mula sa M-Zet Films, CCM Productions, at APT Entertainment Inc.

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …