Monday , December 23 2024

True-to-life story: ‘Ang Probinsiyano’ version ng Vietnam

SA bansa na lang natin talaga hindi naipatu­tupad ang kawastohan ng batas laban sa mga ilegal na nagpapa­yaman at kanilang mga protektor.

Pero sa Vietnam, da­la­wang dating hene­ral ng pulis ang naha­tulan kamakailan sa pina­igting na kampanya ng kanilang pamahalaan laban sa katiwalian.

Siyam hanggang sam­pung taon na pag­ka­bilanggo ang ipinataw na parusa sa pinaka­mataas na opisyal ng pambansang pulisya ng Vietnam na si Phan Van Vinh at kay Nguyen Thanh, hi-tech crimes police department chief, dahil sa kanilang pagmamalabis sa kapang­yarihan matapos sumailalim sa tatlong linggong paglilitis ng People’s Court sa probinsiya ng Phu Tho.

Ang hatol sa dalawa ay bunsod ng pagka­kasangkot sa malaking sindikato ng illegal online gambling bilang mga protektor at kasong money laundering, habang dalawa naman sa lider ng nabanggit na pasugalan ang sentensiyado na mabilanggo nang sampung taon.

Kung naipatutupad lang ang mga batas dito sa atin tulad sa Vietnam, imbes mga karaniwang kriminal ay mga alagad ng batas at opisyal ng pamahalaan ang magsisiksikan sa mga bilangguan natin.

Nakaiinggit ang mga bansa na tulad ng Viet­nam.

BOGUS NA PDP-LABAN
KAKASUHAN NI PIMENTEL;
NUISANCE SI KA FREDDIE

MAHAHARAP sa kasong kriminal ang sinoman na magpapakilalang miyembro o kabilang sa Partido Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) matapos paboran ng Commission on Elections (Comelec) si re-electionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang lehitimong lider ng partido ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte.

Binalaan ng mambabatas na kakasuhan ang mga impostor na kandidato kapag hindi pa rin tumigil sa pagpapanggap na miyembro ng PDP-Laban, ani Pimentel:

“Our advice is to file charges against those who are pretending to be members of the party. If we hear about them insisting on being members of PDP-Laban, we will correct that. If they don’t stop, we will sue them.”

Si Pimentel din, bilang national president ng PDP-Laban, ang opisyal na kinikilala ng Comelec na may karapatan magsumite sa listahan ng mga awtorisadong lumagda para sa partido.

NUISANCE CANDIDATE
SI FREDDIE AGUILAR
SA BOGUS NA CONA

IBIG sabihin, bogus ang certificate of nomination and acceptance (CONA) na isinumite sa Comelec ng mga kandidatong tatakbo sa iba’t ibang posisyon kung ang nakalagda ay hindi naman awtorisado ni Pimentel.

Katumbas nito ay posibleng madeklara na nuisance candidate o pampagulo sa eleksiyon si Freddie Aguilar dahil hindi pala lehitimo at impostor ang pangahas na nakalagda sa CONA na kanyang isinumite sa Comelec.

‘Pag nagkataon, disqualified si Freddie at mauunsiyami ang ‘suntok sa buwan’ niyang career sa pagtakbong senador.

Pagupitan na kasi ang ‘Caridad Sanchez look’ na buhok para mabawas-bawasan ang bitbit na kamalasan sa katawan.

MAS TAKOT ANG POLITIKO
SA PASKO KAYSA MATALO

SIGURADONG malaki na naman ang kikitain ng mga kompanya sa airline industry ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Tiyak na fully booked ang mga airlines at nangunguna sa kanilang mga manifesto ang mga politiko para magbakasyon kung saan-saan kasama ang buong pamilya.

Kalimitan nang itinataon ng mga politiko ang kanilang mahabang bakasyon tuwing kapaskuhan, lalo ang mga deklaradong kakandidato sa nalalapit na halalan.

Pero ang talagang pakay ng kanilang pagsibat palabas ng bansa o saan man dako ng bansa ay para makaiwas at makapagtago sa mga botante na umaasang kahit paano ay magbabaka-sakaling may maaaginaldo.

Siyempre, sa isang taon na sila ulit lulutang at magpapakita sa mga botante kapag tapos na ang Merry Christmas and A Happy New Year ng kanilang pamilya para makaiwas sa gastos.

Mas kinatatakutan ng mga politiko ang Pasko, kaysa ang matalo.

‘Yan ang tunay na diwa at totoong larawan ng kapaskuhan mayroon sa Filipinas.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *