BEASTMODE ang 2017 Bb. Pilipinas International Mariel Deleon sa mga netizen na itina-tag siya patungkol sa mga beauty pageant.
Kaya naman nakiusap ito sa mga netizen na ‘wag siyang i-tag.
Post nito sa kanyang Instagram, “I’d appreciate it if you guys could stop tagging me in pageant posts (especially if it doesn’t even involve me).
“I don’t like being called ‘beauty queen’. It means nothing to me.
“Women are not whatever ‘title’ society chooses to ‘name’ us.
“Women are so much more than that.”
Aminado naman ito na malaki ang naitulong sa kanya ng pagsali at pagkapanalo sa Bb. Pilipinas bilang Bb. Pilipinas International pero isinasara na niya ang bahaging iyon ng kanyang buhay.
Marami nga ang nagsasabi na sobrang bitter naman ng aktres dahil talunan sa Miss International 2017 at hindi man lamang nakapasok sa Top 15 o nakasungkit man lamang ng award.
MATABIL
ni John Fontanilla