Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, iprioridad ang boses bago ang pakikipag-engage

NATAWA naman kami roon sa kuwentong iyon daw si Charice Pempengco, na alyas Jake Zyrus na ngayon ay engaged na sa kanyang girlfriend na kinilalang isang Shyre Aquino. Eh ano ba naman ang value ng kuwentong iyon? Hindi lang naman ngayon nakipag-engage iyang si Charice, hindi ba noong araw ay iyan din ang sinabi niya sa dating live in partner na si Alyssa Quijano, at sinasabi pa ngang gusto nilang magkaroon ng anak.

Ang ending, nalaman din niyong Alyssa na malabo ang relasyon ng tomboy talaga. Kaya bigla na lang silang nag-split at iyon yatang babae ay may boyfriend na ngayon. Iyang engagement, ok lang iyan kung may posibilidad ng habambuhay na pagsasama. Hindi naman ganoon eh, dahil dito sa atin malabo pang makalusot iyang same sex marriage.

Maliwanag kasi ang mga batas sa atin, at hindi mo masasabing marami nang mga bakla at tomboy sa kongreso para mapalitan ang batas na iyan. May mga bakla sa kongreso, pero itinatago pa nila iyon at hindi nila aaminin na bakla rin sila.

Ang dapat sanang inaasikaso niyang si Jake Zyrus ay kung paano niya mailalagay sa ayos ang kanyang career. Dahil sa iniinom niyang mga hormones sa pagpipilit niyang magmukhang lalaki, nasira naman ang kanyang boses. Ngayon ang sinasabi, kahit na noong mga dati niyang fans, hindi na ganoon kaganda ang boses niya. Hindi na siya ganoon kagaling kumanta.

Iyon na muna ang asikasuhin niya bago siya makipag-engage.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Ai Ai, naglabas ng sentimyento sa mga dating kaibigan

Ai Ai, naglabas ng sentimyento sa mga dating kaibigan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …