AAKALAIN n‘yo bang may bangayan palang ganap off-air sa magka-tandem na itey sa isang teleradyo?
Tsika ng aming source, imbiyerna raw ang female anchor sa male partner niya, ”Naku, sa araw-araw na lang na ginawa ni Lord, eh, walang time na hindi sila nagsisinghalang dalawa.”
Kine-claim kasi ng girlash na hindi raw lagi o handa ang kanyang partner bago sila sumalang sa programa, samantalang siya raw ay always prepared.
“Bago kasi sila umere, ‘yung girl, eh, nakapagbasa na ng lahat ng mga diyaryo sa araw na ‘yon kaya imposibleng mangapa siya sa mga ibinabalita nila. Himutok naman ng lola mo, papetiks-petiks lang daw ang ka-tandem niya,” sey pa ng aming katsika.
Mabilis naman itong kinontra ng taong bilib sa male partner niya, ”Hoy, for the record, sino ba sa kanilang dalawa ang berdaderong broadcast journalist, hindi ba’t ‘yung guy? Magtigil nga sa pag-iilusyon ang babaeng ‘yon!”
Da who ang dalawang bida sa kuwentong ito? Itago na lang natin sila sa alyas na Amita Ontoko at Abner Catapa.
(Ronnie Carrasco III)