Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dabarkads, ‘di raw puwedeng tumuntong sa Pasig

INCUMBENT o kasalukuyang Konsehal ng Pasig City si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Pero tumatakbong mayor si Vico na walang takot na babanggain ang isa sa mga Eusebio.

Ang mga Eusebio ay batikang angkan sa local politics doon. The mere fact na pasalin-salin lang sa mga miyembro nito ang kapangyarihan speaks so much about the residents’ trust and confidence sa kanila.

Sa parte naman ni Vico, masasabi ring markado na ang mga Sotto sa politika: mula kay Senator Tito na nagsimula bilang Vice Mayor sa Quezon City at sumunod sa kanyang mga yapak ang mga anak niya, one of whom—si Councilor Gian Carlo—na makakalaban ni Coun. Roderick Paulate sa pagk-Bise Alkalde sa naturang lungsod.

Pero hindi ito ang catch.

Balita kasing malakas din ang hatak ni Vico sa Pasig. Aside from being born to famous showbiz parents, higit pa sa may hitsura ang dating ni Vico na mas pinili nga lang luminya sa politika kaysa showbiz.

Gaano katotoo na dahil sa lakas ni Vico as Eusebio’s mayoral opponent ay damay pati ang noontime program na Eat Bulaga? So, ano ang konek?

Isa si Bossing Vic sa mga tumitimon sa segment na Juan For All, All For Juan na umiikot sa mga barangay sa loob at labas ng Metro Manila. Bagama’t nasa Broadway Centrum studio lang nakatalaga si Vic (habang ang Jowapao trio at si Maine Mendoza ang mga frontliner sa remote), kabatuhan nila ito ng live spiels.

Sad to say, ayon sa aming source, magagalugad ng nasabing segment kahit ang mga liblib na lugar sa buong Pilipinas, pero habang nakaupo raw si Eusebio sa Pasig ay never makatutuntong doon ang buong Dabarkads.

Hindi man kasi bahagi si Vico ng Eat Bulaga, ang presensiya ng ama nitong si Vic ay sapat nang engganyo para sa mga botante roon para isulong at suportahan ang una sa kanyang mayoral bid.

Really?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …