Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kakai Bautista
Kakai Bautista

Kakai, pumalag sa pagtuturo ng Korean language sa kolehiyo

 

BILANG isang dating guro, sasang-ayunan namin ang pananaw ni Kakai Bautista na pumalag sa pagtuturo ng Korean language sa kolehiyo pero ikokompromiso naman ng bagong program ng CHED ang pag-alis sa mga asignaturang Filipino at Panitikan (Philippine Literature) bilang core subjects.

Ani Kakai, oo nga’t tinatangkilik natin ang mga Korean telenovela, K-pop, Korean food at kung ano-ano pa, pero ibang usapan kung edukasyon ang pag-uusapan. Kaso, kinatigan na ng Korte Suprema ang hakbang na ito, na kung tutuusi’y noon pang June 2017 nais ipatupad sa mga pampublikong hay-iskul.

Totoong ang matuto ng foreign language other than English ay isang advantage, pero bakit kailangang isakripisyo ang mother tongue natin?

Katwiran ng CHED, kailangan kasing limitahan sa 36 units ang general education sa college curriculum.

Paano kaya kung nabubuhay pa sa kasalukuyang panahon si Jose Rizal o ‘di kaya’y ang Ama ng Wikang Pambansa?

Patay man sila, for sure, they’re turning in their grave.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …