Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia

Marian, hands on pa rin sa paghahanda sa Kapaskuhan (kahit bundat na bundat)

DAHIL madaragdagan ang miyembro ng kanilang pamilya, espesyal lalo ang nalalapit na Kapaskuhan para kina Marian Rivera at mister niyang si Dingdong Dantes, at anak nilang si Zia.

“Ngayon na lumalaki at lumalaki ang pamilya namin, sabi ko sobrang biyaya talaga ‘yung ibinibigay sa akin kasi ito talaga ‘yung pangarap ko, ang maging ina ng maraming anak,” saad ni Marian.

“Sabi ko nga ideal kasi ang three pero sabi ko kung pagpapalain pa ako, siguro hanggang four sana.”

Pagpapatawa pa ni Marian, sa Pasko ay bundat na bundat siya dahil tiyak na mas lalaki pa ang tiyan niya.

“Malaking- malaki ang tiyan ko pero siyempre mas masaya kung lumabas na siya next year.”

Ngiti lamang ang isinagot ni Marian sa tanong naming kung anong buwan siya manganganak.

Pero kahit buntis at malaki ang tiyan niya ay hands-on pa rin si Marian sa mga preparasyon sa bahay nila para sa Pasko, tulad ng paghahanda ng Noche Buena.

“Lahat, lahat-lahat talaga, oo naman! Sabi ko nga eh, nabuntis lang ako, lumaki  lang ang tiyan ko, of course may inaalagaan akong bata sa tiyan ko pero hindi ibig sabihin niyan eh ‘yung mga ginagawa ko para sa pamilya ko eh hindi  ko gagawin.

“Kahit nga sa school ng anak ko nakita mo naman ‘di ba?”

Nakapagkabit na sila ng Christmas tree.

“Mayroon na! Pagkatapos ng November 1, November 4 mayroon na.

“Love ng anak ko ‘yung ganoon, kaya sinasabi niya after ng Halloween, ‘Mama kailan ikakabit ‘yung Christmas tree?

“Aware na siya.”

Paborito niyang tradisyon kapag Pasko ay kapag magkakasama silang buong pamilya sa bahay, pamilya niya at pamilya ni Dingdong.

“Kahit nasa Cavite sila, o nandoon sila sa Quezon City, lahat kami sama-sama.”

Ngayong Nobyembre magaganap ang gender reveal nina Marian at Dingdong para sa pangalawang anak nila na kasalukuyang ipinagbubuntis ng Primetime Queen.

“Sasabihin na namin. Sabi ko nga eh, ang  pagmamahal namin sa mga nagmamahal sa amin never naming ipagkakait ‘yung mga personal na bagay at ise-share namin sa kanila ‘yun.

“Excited na ba kayo?” ang nakangiting tanong pa ni Marian sa sa interview namin sa aktres sa isang cooking lesson.

Tapos na ang paglilihi stage niya; kamias na isinasawsaw sa asin.

Wala na siyang partikular na pagkain na hinahanap sa ngayon.

“Basta mga healthy food ang hinahanap ko talaga so laking factor talaga ng Mega Prime sa akin kasi binibigyan talaga nila ako ng madali para sa  akin.

“Like for example nagke-crave ako ng soup, madali na akong makagawa ng mushroom soup o corn soup na madali para sa akin.”

Still on the gender of her baby, base sa obserbasyon ng marami, dahil sa kakaibang glow at magandang aura ni Marian ay babae ang ipinagbubuntis ng aktres.

“Babae ang anak ko? Well, well, well, it’s for you to find out,” at tumawa si Marian.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …