Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, kinasuhan ng 9 counts cyberlibel ang abogadong kapatid ng dating buss. partner

SINAMPAHAN ng nine counts of cyberlibel ni Kris Aquino ang abogadong si Jesus Falcis, kapatid ng dati niyang business partner na si Nicko Falcis na idinemanda naman niya ng qualified theft.

Ang demanda ay nag-ugat sa mga malilisyosong post ni Falcis sa kanyang Instagram at Twitter accounts laban kay Kris na may koneksiyon sa mga kasong kinasasangkutan ng kanyang kapatid.

Sa formal complaint na isinampa ng Social Media Queen sa Department of Justice kahapon ng hapon, inireklamo nito ang abogado at sinabing  “offensive” at “humiliating” ang mga ipinost nito sa social media patungkol sa kanya.

While I am a well-known celebrity, respondent does not have the unbridled license to malign my honor and dignity by in­dis­crimi­nately posting malicious state­ments against me,” ani Kris.

Nine counts ng cyberlibel ang isinampa ni Kris dahil sa siyam na social media post ni Falcis laban sa kanya simula noong Nov. 14.

Sa mga post ni Atty. Falcis, tinawag niya ang ina nina Joshua at Bimby ng “liar,” “spoiled oligarch brat,” “sinungaling,” “pa victim” and “someone who always longs for a man’s attention.”

Hindi rin daw pinatawad ng abogado ang pagkakaroon ni Kris ng “urticaria-prone skin,” na resulta ng kanyang medical condition na may kinalaman sa kanyang allergies.

May post din ang abogado na idinamay ang mga yumaong magulang ni Kris.

Sambit pa ni Kris, hindi pwedeng gamitin ni Falcis ang “freedom of speech and the press” bi­lang defense, “If the utterances are false, malicious or irrelevant to matters of public interest involving public figures, the same may give rise to criminal and civil liability.” 

 (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …