Friday , May 9 2025

Gobyerno kuripot sa P25 dagdag-sahod

KULANG pa ng P5 para pasahe sa LRT mula Baclaran-Monumento ang P25 dagdag-sahod na ipagkakaloob ng gobyernong Duterte sa mga manggagawa.

Kaya sumatotal, aabot lang nang P337 ang minimum wage sa Metro Manila. Hindi nagustohan ng ilang labor sector ang nasabing halagang idinagdag dahil P334 ang kanilang kahilingan.

Nangangahulugan ito na hindi pa kaya ang hiling ng labor sectors dahil isa ito sa dahilan kung bakit hindi maibigay ang kanilang kailangan. Masusi itong pinag-aralan ng gobyerno.

Higit na kawawa ang maliliit na negosyante na maraming competitors, mabigat ito!

 

ALAK BAWAL SA MGA PULIS

Mahigpit ang direktiba ni PNP chief Oscar Albayalde  na hindi bawal ang Christmas party sa lahat ng police stations, alak lang ang bawal. Bawal din ang solicitations… patago puwede! Never nangyari na hindi nag-solicit ang mga pulis. Isa lang ang iiwasan… letter of solicitation… bulungan na lamang para ‘di mabuking!

Hindi lahat ay masaya ngayong Pasko. ‘Yung mga nakaririwasa ay dapat mamamahagi ng kanilang dumarating na blessings… sana maging masaya ang mahihirap o kapos-palad nating kababayan!

Ubos na o kokonti na lang ang drug lords pero buhay pa rin ang mga gam­bling lords… kaya si­gu­rado masaya ang Christmas party ng mga nakikinabang sa kanila!

Noong araw buma­baha ang inumin na nakalalasing at masaganang pagkain sa mga hapag kainan ng bawat Filipino. Ngayon ang mga may anak na OFW ay inaasahan na magpapadala ng pera lalong masaya ang pamilya kung may balikbayan siguradong ubos!

Kapag ganitong Kapaskuhan maraming negosyante ang magsusulputan… uubusin ang pera ng taongbayan. Ang aking payo sa lahat, huwag hayaan na maging ‘nganga’ pagkatapos ng Pasko!

Sabi ng gobyerno, bababa ang drug money ngayong 2019. Ngayon pa lang, marami nang walang matatanggap na drug money ang mga politikong umaasa sa kanila!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Firing Line Robert Roque

Ano na ngayon ang tingin ng mga botante kay Pulong?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINABI ni Congressman Pulong Duterte na ipapa-“authenticate” niya sa …

Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPATni Mat Vicencio ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino …

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *