Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Arceo
Aga Arceo

Aga Arceo, naglevel-up na bilang T-REX Artists

SPEAKING of Class of 2018, isa sa may mahalagang papel sa pelikulang ito si Aga Arceo na bahagi ng T-REX Artists na kinabibilangan din nina Shara Dizon, Hanna Francisco, Lara Fortuna, at Renshi de Guzman. Silang lima ay bahagi ng latest movie offering ng T-REX Entertain­ment na showing na sa November 7.

Sina Vance Larena, at Sean Oliver ay ilan pa sa lumalaking T-REX Artists family.

Sa paparating na horror-thriller na Class of 2018, ang limang kabataang T-Rex Artists ay magkakaroon ng malaking papel.

Si Aga ay gaganap na Ericson, ang third-wheel sa pagi­tan ng mga karakter nina Nash at Sharlene. Ang six-foot tall na si Aga ay isa rin modelo na maru­nong mag-beat box. Kabilang sa kanyang acting credits ay Deadma Walking at Bakwit Boys. Ang Class of 2018 ang kanyang unang major role.

Aminado si Aga na ibang level na ang papel niya sa pelikulang ito. “Eto po yung first movie ko na kasama sa main casts. Kasi po before, ‘yung mga movie kong napasukan is extra lang po ako or maliit lang po ‘yung roles ko. So eto po, sobrang bago po sa akin, sobrang feeling ko nag-level up agad. Kasi sobrang kinabahan po talaga ako noong nalaman kong isa ako sa bida po,” esplika niya.

Kinabahan rin ba siya nang nakatrabaho sina Nash, Shar­lene, Kristel, Kiray at CJ na beterano nang child stars?

Tugon ni Aga, “Noong una po, storycon pa lang ay na-intimidate ako, sabi ko, ‘Shit ang gagaling na ng mga iyan, may mga pangalan na iyan, ayaw kong magkamali, ayaw kong magpakita na magulo ako sa shoot, gusto ko perpekto lahat…’ mga ganoon po ang iniisip ko. Pero noong first day naman po, okay naman. Supportive po sila, tinutulungan po nila kaming mga baguhan all throughout, kasi alam nilang bago ka, aalalayan ka po nila.”

Kasama rin sa casts ng Class of 2018 sina Yayo Aguila, Adrian Alandy, Dido dela Paz, Alex Medina, Sherry Lara, Michelle Vito, Ethan Salvador, Jomari Angeles, Kelvin Miranda, Nikki Gonzales, Justin de Guzman, Dylan Ray Talon, Micah Jackson, Jude Matthew Servilla, John Vic De Guzman, Yvette Sanchez, Jerom Canlas, at Noubikko Ray.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …