Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Queen of Quezon City
Si Konsehal Mayen Juico (gitna) kasama ang 24 transgender na maglalaban-laban para sa Queen of QC.

24 transgender, magpapatalbugan para sa Queen of Quezon City

NGAYONG Lunes magaganap ang pre-pageant ng Queen of Quezon City, na 24 transgender beauties na residente ng Quezon City ang maglalaban-laban.

Paglalabanan nila ang premyong P300,000 o ang korona bilang Queen of Quezon City. Bukod dito, tatlo pang katapat-dapat ang pipiliin at makapag-uuwi ng P100,000 para tanghaling Lady Equality, Lady Respect, at Lady Pride.

Gaganapin ang grand coronation night sa Nov. 10 sa University Theater, Diliman, Quezon City.

Ang beauty contest na ito ay bahagi pa rin ng awareness campaign ng Quezon City government para sa Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT) community.

Ang 24 kanditata na magpapasiklaban sa kagandahan at katalinuhan ay sina: Erwina Tirambulo ng Talayan Village, Redj Daria Espinosa ng Brgy. Tagumpay, Ehm-jay Buena Tuazon ng Brgy. Loyola Heights, Terresa Caranzo at Samantha  Garcia ng Brgy. Bagong Silangan, Louise Manalo ng Brgy. San Roque, Cubao, Avah Torres Pineda ng Brgy. Pag-ibig sa Nayon.

Angel Artita ng Brgy Bagbag, Novaliches, Shine Rodriguez at Jhade Ellorin Soberano ng Brgy. Bagong Pag-asa, Naomi Fantonos ng Brgy. UP Village, Denine Palacio ng Brgy. Mariblo, Keith Legara ng Brgy. Talipapa, Novaliches, Casey Banes Paculan ng Brgy. Piñahan, Scarlet Alcaraz at Yanyan Idalia ng Brgy. Commonwealth, Andrea Justine Aliman ng Brgy. Sacred Heart, Nica Kate Sapinoso ng Brgy. San Roque, Cubao.

Kasama rin sina Jhonna Castro ng Brgy. Holy Spirit, Maria General ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Summer Lariosa ng Brgy. Dioquino Zobel, Rami Hannash ng Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, Ghen Antolin ng Brgy. Sta. Monica, Novaliches, at Pamcee Vera Perez ng Brgy. Gulod, Novaliches.

Ang 24 ay pinili ng selection committee na binubuo nina Teresa Mariano, Quezon City Chief of Staff for Administration, Police Senior Inspector Rene Balmaceda, ang unang openly transgender na pulis ng PNP, at ang writer-TV director na si Andrew de Real. Pagbabatayan naman sa pagpili ng mananalo ang beauty, intelligence, at personality na nagtataglay ng mga katangian ng isang proud member ng LGBT community na handang manindigan sa mga ipinaglalaban ng bawat miyembro nito. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …