Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rastafari Daraliay Wushu Taolu athlete
Rastafari Daraliay Wushu Taolu athlete

11-anyos PH Wushu Taolu athlete nahulog sa kama patay

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-anyos Wushu Taolu junior athlete at miyembro ng Philippine team, nang mahulog mula sa tinu­tulugang double deck sa Philippine Center for Sports Medicine Buil­ding, Rizal Memorial Sports Complex sa P. Ocampo St., Malate, Maynila, kamakalawa.

Isinugod sa Adven­tist Medical Hospital ngunit nalagutan ng hininga ang biktimang si Rastafari Daraliay, resi­dente sa Block 7, Lot 7, Happy Homes, Phase 2, Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) – Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:00 am natutulog ang biktima sa upper deck ng kama sa Room 8 nang bigla siyang mahulog.

Base sa salaysay ng kasamahang atleta, na­gulat siya nang marinig ang isang malakas na kalabog at nang alamin kung ano ang nangyari ay nakitang nakahandusay sa lapag ang biktima.

Hindi inakalang ma­tindi ang naging pinsala sa nangyari kaya tinu­lungan na lamang nila ang biktima na makahiga sa mas mababang higaan at saka ipinagpatuloy ang pagtulog.

Dakong 8:00 am ay isinugod sa pagamutan ang biktima nang maki­tang bumubula ang kan­yang bibig.

Agad inasikaso ng mga doktor ang biktima at nilunasan ngunit bigo silang maisalba ang kan­yang buhay.

Nagsasagawa ng ma­su­sing imbes­tiga­s-yon ang pulisya upang masi­gurong walang nangya­ring foul play  sa insidente.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …