Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Katrina Halili
Katrina Halili

Katrina Halili, walang time sa love life

MAY chance pang mapanood hanggang bukas ang peli­kulang Mga Anak ng Kamote na tinatampukan ni Katrina Halili with Alex Medina, Kiko Matos, Carl Guevarra, sa pamamahala ni Direk Carlo Enciso Catu.

Ito ay isang futuristic film na ang setting ay taong 2048, na ang kamote ay ipinagbabawal na tulad ng droga. Gumaganap dito si Katrina bilang babaeng nani­nirahan sa bundok na napilitang bumaba sa lungsod upang ha­napin ang nawawalang asawa, na napagbintangang nagbeben­ta ng kamote.

Extended ang ToFarm Film Festival 2018 kaya mapapanood sa Gateway, Greenbelt 1, at Trinoma hanggang October 2 ang apat na entries dito. Bukod sa movie ni Katrina, extended din ang Tanabata’s WifeSOL Searching, at Alimuom.

Ano ang challenge na na-feel niya habang ginagawa itong movie? “Mas mahirap pala iyong internal struggle kasi super close up pa, kailangan tama iyong lumalabas na emotions, hindi gaya kapag may ibang move­ment, mas madaling magalit o masaktan,” esplika ni Katrina.

Ipinahayag niyang masaya siya sa kinalabasan ng kanilang pelikula. “Yes, happy po ako sa movie. At least, iba naman po sa nakasanayan kong gawin. Kasi, puyat at pagod ‘yun, two weeks na two hours lang ang tulog ko. Nakatutuwa na may mga naka-appreciate sa ginawa namin, especially sa pagganap ko bilang si Iyong,” nakangiting saad ni Kat na napapanood ngayon sa afternoon primetime series ng GMA-7 na The Step Daughters.

Ayon kay Kat, gusto niyang mas maging active pa sa pagga­wa ng pelikula. ”Yes, gusto kong gumawa ng ibang character, happy nga ako everytime na may guesting ako na iba naman ang ginagawa ko. Gusto kong gumawa ako ulit ng movie, para makapag-explore naman,” aniya.

Pagdating sa kanyang love life, wala raw time rito sa ngayon ang aktres dahil mas nakatutok siya sa kanyang career. “Wala po. Wala, anak ko lang. Wala. No dating, wala. Busy rin po, e.”

Pero inilinaw ni Kat na ayaw naman niyang tumandang dalaga. “Pero, a­yaw kong tu­man­dang dalaga. Kung sa­kaling mayroon na, siya na. Kapag mayroon naman dumating, open naman ako. Pero wala pa rin,” saad ng magan­dang Kapuso actress.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Debut album ni Ryan Tamondong, kaabang-abang!
Debut album ni Ryan Tamondong, kaabang-abang!
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …