Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ryan Tamondong
Ryan Tamondong

Debut album ni Ryan Tamondong, kaabang-abang!

NAGBUNGA na ang mga sakripisyo at pagtitiyaga ng tandem nina Ryan Tamondong at Joel Mendoza, dahil ang Euro Pop champion ay isa na ngayong Star Music artist. Kaabang-abang ang self-titled debut album ni Ryan sa Star Music na inilunsad recently.

Sa album launching nito, marami ang humanga sa boses ni Ryan. May taglay na kakaibang charisma ang magandang tinig ng singer na mina-manage ng kanyang discoverer na si Joel. Nakatutuwa nga ang kuwento na sa ilalim ng hagdan ng Tang­halang Pasigueño nag-audition si Ryan kay Joel. At dahil sa ganda ng boses ng binata, hindi naman nagdalawang isip ang pamosong singer/song­writer para i-manage ang career ni Ryan.

Dating contestant si Ryan sa I Can See Your Voice ng ABS-CBN na nasungkit ang ikala­wang puwesto sa isang episode ng nasabing mystery music game show. Ngayon may album na siya at kasalukuyang ipina­kikilala ang kanyang PPop Love single na Haay Pag-ibig mula sa komposisyon ni Joel Men­doza.

Isang Conservatory of Music student sa University of Santo Tomas si Ryan na kasa­lukuyang tampok din sa “OPM Refreshed” ng Star Music YouTube channel.

Dito’y kabilang ang kanyang live version ng OPM classic na Sana Ay Ikaw Na Nga, ang Basil Valdez original mula sa komposisyon ni Cecile Azarcon Inocentes. Bahagi rin ang awitin ng five-track album ni Ryan ang Ikaw Ang Panaginip at Ako’y Minamahal Mo Pa Rin, na isinulat rin ni Joel, at ang Since You Went Away na mula naman sa komposisyon nina Joel at Vehnee Saturno.

Ang bagong Star Music talent ang kauna-unahang Asian na sumali at nagwagi sa Euro Pop Berliner Perle grand prix championship sa bansang Germany. Dahil sa pagkapanalo niya rito, siya rin ay itinanghal na International Achievement Awardee sa 29th Awit Awards.

Pakinggan at i-download ang mga awitin ni Ryan sa digital stores. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Katrina Halili, walang time sa love life
Katrina Halili, walang time sa love life
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …