Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Coconut Authority PCA
Philippine Coconut Authority PCA

Coco levy fund ipinababalik ng Bicol farmers

LUMUSOB ang mga mag­­sasaka mula sa Bicolandia para sumanib sa pagkilos ng United People’s Action against Tyranny and Dictatorship sa Luneta sa ika-46 anibersaryo ng dekla­rasyon ng Martial Law ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.

Bago sumama sa kilos protesta, makiki­pagpu­long sila sa mga opisyal ng Philippine Coconut Authority (PCA) para himukin na ibalik ang P105 bilyong coco levy fund.

Hindi anila sila puwe­deng ‘mag-move on’ mula sa Martial Law at iba pang kalupitan na ginawa ng mga Marcos.

Anila, ang coco levy fund kinuha ng mga Marcos sa mga ninuno nila noong Martial Law at hindi ito ibinalik sa kanila, ayon kay Jonathan Moico, kasapi ng Bicol Coconut Planters Association (BCPAI) at Kilusang Magbubukid ng Bicol.

Giit ni Antonio Flores, secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang coco levy fund ay pag-aari ng maliliit na magsasaka at dapat lamang ibalik sa kanila.

Aniya, gawin itong “Genuine Small Coconut Farmers Fund” at panga­siwaan ng mga magsa­saka hindi ng fund managers.

(Gerry Baldo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …