Thursday , December 26 2024

Pag-arangkada ng BBB

SA gitna ng mga sigalot mga ‘igan,  sadyang walang inisip si Ka Digong kundi ang maisaayos at mapaunlad pa ang buhay ng mga Pinoy. Kung kaya’t tuloy-tuloy sa pag-arangkada ang programang BBB (Build Build Build) ng administrasyong Duterte para sa kapakinabangan ng sambayanan.

Ngunit sa kabilang banda mga ‘igan, wala pa nga bang nararamdaman ang taong bayan sa mga pangako ng administrasyong Duterte? Sapagkat marami pa rin umano ang naghihirap at naghihikahos sa buhay. Bagamat ipinatupad ang TRAIN Law para mapondohan ang mga proyektong nakapaloob sa BBB Infrastructure Project, aba’y kasabay naman nito’y ang tuloy-tuloy din namang pag-alagwa ng presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN Law. ‘Ika nga, partikular ng mga pobre nating mga kababayan, palubog nang palubog sila at kailan umano makaaahon sa kahirapang pilit silang niyayakap, kahit anong iwas ang kanilang gawin.

Mga ‘igan, ang planong impraestruktura ng ating pamahalaan ay sadyang napakalawak. Sa pag-arangkada ng BBB program, kinakailangan ang mga manggagawang may sapat ding kakayahan, na tunay na inaasahan sa pagsasa­katuparan nito.

Ngunit, sapat na nga ba ito upang maiahon ang mga pobre nating kababayan? Ilang pasko pa ang hihintayin upang malasap ang sarap?

Go go go BBB! Wait and see…

 

GUHO SA ITOGON ANONG TUGON?

Sa pagguho sa Itogon, maraming buhay ang nasawi na ikinadalamhati nang marami. Sa pangyayaring ito mga ‘igan, tuluyan nang ipinasasara ang lahat ng ‘small-scale-mining’ sa Cordillera ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu. Maging si Ka Digong ay talaga namang iginiit na dati pa umano niyang gustong ipasara ang mga minahan.

Ano nga ba mga ‘igan ang naging sanhi ng pagguho sa Itogon? Likha nga ba ito ng bagyong Ompong o ni Ka Ompong na isang minero, na sa kanyang pagmimina’y kasabay pa ang pagputol ng mga puno kung kaya’t apektado rin ang ating mga bundok?

Ka Digong, guho sa Itogon, anong tugon? Sampu ng iba pang mga minahan, ano’t ‘di pa lubusang ipasarang lahat? Maghihintay na naman bang may trahedyang maganap bago muling bigyang pansin ang mga nakapipinsalang gawi tulad ni Ka Ompong? Aba’y kailan pa tayo matututo? Ilang bagyo pa ang dapat suungin bago tayo kikilos? Ilang buhay pa ang dapat makitil bago ang pagkilos? Tama ka ‘igan…laging nasa huli ang pagsisisi!

 

TOPACIO LODI NG SALAWAG

Anak ng teteng mga ‘igan, ibang klase din naman itong bagong punong barangay (P/B) ng Salawag, Dasmariñas City, Cavite. Akalain ninyong nagulantang ang sambayanang Salawag nang manalo sa nakaraang barangay election itong si Victor O. Topacio laban sa kanyang katunggaling si P/B Erico S. Paredes! Aba’y kumbaga sa karera ng kabayo mga ‘igan, ‘tagong-trangko’ ang ipinakita ni Ka Vic-Vic dahil ‘pulling-away’ ang Mama sa finish line.

He he he…

Ang siste mga ‘igan, ayon kay Salawag chairman Vic Topacio, bangkarote umano ang Brgy. Salawag nang lisanin ni Pare­des. “Lahat po ng sasakyang ga­mit ng ba­rangay na iniwan sa amin ni dating Chairman ay sira at hindi mapa­kinabangan. Bu­kod po rito, ni singkong bulok po ay walang iniwan sa kabang-yaman ng Brgy Sala­wag,” ani ni Topacio.

Malinis at wa­lang ‘cor­ruption’  sa kanyang nasasa­kupan ang nais ni Chairman Topacio nang makapanayam ng BBB. Ika n’ya’y, “paglilingkod para sa lahat, at hindi sa kapanalig lamang” ang kanyang paiiralin. Tuloy-tuloy ang pagbaba ng mga bayaring-pambarangay ang kanyang ipinatutupad, tulad halimbawa ng mga business permit, na dati umano’y P480.00 at ngayo’y P150.00 na napakalaking kaginhawaan partikular sa mga nagtitinda.

“Matindi po ang Peace and Order ngayon ng Brgy. Salawag,” dagdag ni Topacio. Go go go Topacio, Idol ng Salawag! Mabuhay ka!

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *