Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jovito Palparan
Jovito Palparan

Hatol kay Palparan ikinagalak ng leftist groups

IKINATUWA ng mga makakaliwang kongre­sista ang hatol na “guil­ty” kay dating Heneral Jovito Palparan kaugnay sa pagkawala ng dala­wang estudyante sa University of the Philip­pines (UP) na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.

Ayon kina ACT Teachers representatives Antonio Tinio at France Castro, si Palparan ang nasa likod ng pagpatay sa daang-daang aktibista at mga tagapagtangol ng karapatang pantao sa ilalim ng adminis­tra­s-yong Gloria Macapagal Arroyo na kasalukuyang House Speaker.

“Palparan is the man behind hundreds of deaths and disap­pea­rances of human rights defenders and activists during the administration of then President and now House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo,” ani Tinio at Castro.

Anila, ‘yung hatol kay Palparan ay dapat mag- udyok sa pagsingil sa mga militar, pulis at iba pang ahente ng gobyerno na sangkot sa human rights violations tulad ng extrajudicial killings, illegal arrests at detention sa ilalim ng Oplan Kapa­yapaan.

Ayon kina Tinio at Castro dapat rin ikulong ang mga responsable sa patuloy na patayan, ilegal na pag-aresto at deten­siyon sa ilalim ng Oplan Tokhang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Palparan ay naha­tu­lan sa dalawang bilang ng kasong kidnapping at serious illegal detention.

Kasama ni Palparan sa hinatulan ng Malolos City Regional Trial Court (RTC)  sa Bulacan kaha­pon sina Lt. Col. Felipe G. Anotado Jr., at Sgt. Edgardo Osorio sa pag­dukot kay Cadapan at Empeno sa Hagonoy, Bulacan noong 26 Hunyo 2006. (Gerry Baldo)


Seguridad ni Palparan sa bilibid tiniyak ni Bato
Seguridad ni Palparan sa bilibid tiniyak ni Bato
Palparan guilty sa ‘dinukot’ na 2 UP students
Palparan guilty sa ‘dinukot’ na 2 UP students
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …