Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kano nasakote sa Cainta (Canadian teacher inatado sa Taiwan)

ARESTADO ang isang most wanted person sa Taiwan sa kasong pag-chop-chop sa isang Canadian teacher, makaraan salakayin ng mga tauhan ng Cainta PNP at Bureau of Im­migra­tion (BI) ang kanyang pinagtataguan sa Cainta, Rizal.

Kinilala ni S/Supt. Lou Evangelista, Rizal PNP provincial director, ang nadakip na si Oren Shlomo Mayer, nasa hustong gulang, ngayon ay nakapiit sa detention cell sa Bicutan, Taguig, City.

Si Mayer ay pinagha­hanap ng mga awtoridad sa Taipei dahil sa pag­patay, pag-chop-chop sa labi at pagtatapon sa bangkay ng isang Canadian teacher.

Nadakip ang suspek sa Cainta, Rizal nang pinagsanib na puwersa ng BI Fugitive Search Unit at PNP.

Nakatakdang i-de­port si Mayer para mai­harap sa paglilitis sa ka­song pagpatay sa bikti­mang si Sanhay Ryan Ramgahan noong 21 Agosto 2018.

Nabatid na si Mayer, nagtatago sa alyas na Oz Diamond, ay dumating sa Maynila noong 25 Agosto 2018, apat araw makaraang masangkot ang kanyang pangalan at ang dalawang iba pang suspek sa pagpatay kay Ramgahan sa Yonghe District sa Taipei.

Habang sinabi ni BI Intelligence Officer and FSU Chief Bobby Ra­quepo, si Mayer ay hini­hinala rin big time sup­plier ng marijuana sa Northern Taiwan at ang pagpatay sa biktima ay maaaring konektado sa ilegal na droga.

ni ED MORENO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …