Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
itak gulok taga dugo blood

Putol na binti ng tao itinapon sa basurahan

ISANG putol na binti ng tao na nakalagay sa isang timba ang iniwan sa tumpok ng mga basura ng isang lalaking naka­suot ng face mask sa Caloocan City, kamaka­lawa ng hapon.

Inihayag ng street sweeper na si Inoy Abis, 28, kay  PO2 Aldrin Mati­ning, dakong 1:00 pm, habang siya ay nagwa­walis sa C-3 Road, humin­to ang isang lumang modelo ng sasakyan na walang plaka, malapit sa kanto ng M.H. Del Pilar St., Brgy. 113.

Bumaba ang isang lalaking nakasuot ng face mask at iniwan sa tum­pok ng mga basura ang pulang timbang may takip saka nagma­mada­ling sumakay sa naturang sasakyan at mabilis na umalis.

Nang tingnan ni Abis ang laman ng balde, la­king gulat niya nang ma­ba­tid na putol na kanang binti ng tao ang laman nito kaya agad niyang ipinagbigay-alam kay Barangay 113 Kaga­wad Joemar Salas na siyang nag-report sa himpilan ng pulisya.

Agad nagresponde sina PO1 Emmanuel Garcia, Jr., at PO1 Harris Tabo ng Caloocan police mobile patrol, sa naturang lugar, at dinala ang putol na binti sa PNP Crime Laboratory upang maba­tid ang pagkaka­kilanlan ng biktima sa pama­magitan ng DNA exa­mination. (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …