Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tax amnesty imbes TRAIN 2 — Suarez

IMBES ang pagsusulong sa Tax Reform for Attracting Better and High Quality Op­portunities or TRABAHO, ang pinagandang pangalan ng TRAIN 2, sinabi ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na ang dapat pagtuunan ng pansin ng Kongreso ay tax amnes­ty sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9480 na naging batas noong February 19, 2017.

Ang tax amnesty na ipinatupad para sa 2005, naglikom ng P5.902 bilyon o 2 porsiyento ng kabuuang income taxes na nakolekta sa taon na iyon.

Ayon kay Suarez dapat tingnan ng Kongreso ang isa pang panukalang tax amnesty sa House Bill (HB) No. 3832, o “An Act Grant­ing Tax Amnesty on All Unpaid Internal Revenue Tax Liabilities for Taxable Period January 2006 to June 2016.”

Ani Suarez, naghain ng panukala, imbes TRAIN 2 ang pag-aksayahan ng panahon, dapat iprayoridad ang tax amnesty.

Sa panig ni Deputy Speaker Rep. Raneo Abu ng Batangas dapat isama sa panukala ni Suarez ang “estate tax amnesty” na makatutulong sa updates ng mga real property records at titulo.

“Ito po ay magsusulong ng interes ng mga ninuno ng ating mga mahal sa buhay na pagandahin ang mga minana nila,” ani Abu.

Ito, ani Abu, ang magpa­palago ng pondo ng local government units.

Kaugnay nito, binatikos ni Suarez ang patuloy, aniyang korupsiyon sa Bureau of Internal Revenue.

Aniya ang bagong Tax Amnesty Bill, ay magbibigay ng “clean slate”sa mga “delinquent taxpayers.”

Ani Suarez, mag uu­dyok din ng tax amnesty sa mga “low-income” at “middle-income earners, professionals” at OFWs na pumasailalim sa programa at mag-register sa BIR.

(Gerry Baldo)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …