Thursday , December 26 2024

Mocha may ipinamukha

ILANG araw din namayagpag mga ‘igan ang kontrobersiyal na video tungkol sa pederalismong likha nina PCOO Asec. Mocha Uson at isa pang blogger. Sa samot-saring pagbatikos sa nasabing isyu, aba’y hindi umano ito nakakitaan, mismo ni Ka Digong, ng ano mang isyu. ‘Ika nga’y ‘very cool’ si Ka Digong sa pinag-uusapang video, sapagkat lubos ang paniniwala at paggalang ng Mama sa sinasabing ‘kalayaan sa pagpapahayag.’ Wow naman!

“To him it was not really a big thing. He would want a more rational approach to the dissemination. He found it, well, unconventional,” paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ngunit mga ‘igan, sa kabilang banda, hindi o huwag naman sana sa proseso, sa estilo o sa pamamaraang nakapambababoy at tuluyang nakapagpapaalis ng paggalang sa sarili at sa taong bayan. Kung biro man ito’y huwag naman sa pinag-uusapang federalismo.

Sa pananaw sa ginawa ni Asec. Uson, “She was doing it in her personal capacity you can’t stop her, she can do anything and everything on her personal blog,” dagdag-paliwanag ni Roque. But there must be limitations mga ‘igan, lalo na kung nakababangga, nakatatapak ka na, at higit sa lahat nakapangbababoy dahil sa sobrang pagyakap sa karapatan, na dapat ay alam ang paggamit nito lalo pa’t sa social media.

Ngayon mga ‘igan, sa batohang nangyayari dahil sa video ng federalism, naku may ipinamumukha si Mocha! ‘Ika nga’y parang batang binuweltahan at binanatan ang ilang senador na bumatikos sa kanya.

Ang tanong ni Asec. Uson, sino ba ang totoong baboy, ang video na isinayaw ni Drew Olivar na binaboy umano ang pederalismo o ang mga senador na nagsasanto-santito sa pandaraya sa umano’y eleksiyon at hindi kumikibo sa issue ng dayaan noong 2016, dahilan na matagal nang pinaglalaruan ang taong bayan?

Banta pa ng ale sa mga senador, patay umano ito sa eleksiyon sa 2019, sa dahilang matitikman na ang galit ng taong bayan. Hala kayo mga ‘igan, he he he… “‘Yan talaga ang panggogoyo,” dugtong ni Uson.

Wait, bakit ngayon lang lumabas ‘yang ipinamumukha ni Mocha sa mga mandarayang-senador? Pambababoy ba ito o panggogoyo sa taong bayan? Video issue inilihis sa mandarayang-senador sa nakaraang eleksiyon 2016, aba’y ibang usapin na ito mga ‘igan na dapat kalkalin!

Pero, teka mga ‘igan, gaano kaya katotoo ito, kung galing sa isang taong mahirap nang paniwalaan dahil sa dami na umanong kapalpakan sa pagpapahayag ng impormasyon?

Tulad nitong huli, speaking of federalism, ayon umano kay Uson, tayo na lamang bansa ang napag-iwanan dito sa Southeast Asia, sa dahilang parliamentary pa rin hanggang gayon.

E, ayon sa pag-aaral ng aking pipit-na-malupit, hindi ba’t ang tanging federal government sa Southeast Asia ay Malaysia? Tutok lang ‘igan…

 

DU30, ALBAYALDE,

ELEAZAR SANIB PUWERSA

Una sa lahat, congratulations sa ating action policemen na sina PNP chief, Director General Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Eleazar. Good Job! Aba’y kung seryoso sila, seryoso rin talagang tutuldukan ni Ka Digong ang mga katiwalian sa pulisya.

Kamakailan lang mga ‘igan, mahigit 100 pasa­way na pulis ang pinagalitan, pinag­mumura, at walang takot na binan­taang pagpapa­tayin ni Ka Digong. Sa pagsasagawa nito’y bumuo uma­no si Ka Digong ng tinawag n’yang ‘special unit’ na silang magbaban­tay sa ano mang katarantadohang gagawin ng mga tulisang-pulis.

Katapat ng katiwalian ay si kamatayan, banta ni Ka Digong. Kaya’t maging maayos nawa ang isa sa mga tagapagtanggol ng bansa, upang manumbalik ang paggalang at pagtitiwala ng taong bayan sa pulisya. Teka ‘igan, may kalaban, hindi kaya ma-BBB si Ka Digong? He he he…hindi ito Bato Bato Balani, ang ibig sabihi’y Bato Batuhin ng Batikos ang Pangulo? Aba’y nino? Of course ng human rights. Abangan ‘igan.

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *