UMAMIN na si Jon Lucas na nabuntis niya ang dati ay girlfriend pa lang niyang hindi taga-showbiz,na ngayon ay asawa niya na naging dahilan para suspendihin siya sa It’s Showtime.
Nanganak na ‘yung girl noong November ng isang baby boy.
Ang isa pa sa sinuspinde sa nasabing noontime variety show ng ABS-CBN 2 ay si Bugoy Cariño, na kasamahan ni Jon sa Hashtags. Nabuntis din daw kasi ni Bugoy ang girlfriend niyang si EJ Laure, na isang varsity player ng UST.
Maraming nagtatanong, kung umamin na si Jon, aamin na rin kaya si Bugoy? Magsalita na rin kaya ang young actor, na totoong nabuntis niya ang non-showbiz girlfriend niya o magdi-deny pa rin siya?
Pero marami ang naniniwala na totoong nabuntis ni Bugoy si AJ, dahil hindi naman siya sususpindehin sa It’s Showtime gaya ni Jon, kung hindi ito totoo. Pero kung ayaw pa ring umamin ni Bugoy, prerogative naman niya, ‘yun, ‘di ba? Irespeto na lang natin kung mananatiling tikom ang bibig niya tungkol sa isyu sa kanya.
MA at PA
ni Rommel Placente