ISA ang beteranang aktres na si Boots Anson Roa sa cast ng pelikulang Dito Lang Ako mula sa Blade Entertainment, na pinagbibidahan nina Jon Lucas at Michelle Vito.
Sa presscon ng pelikula, tinanong si Boots kung kamusta ang pakikipagtrabaho niya sa mga batang artista ngayon.
“Bagamat malaki ang agwat ng mga edad namin, hindi naman ibig sabihin na mas marunong ako sa kanila o mas magaling ako sa kanila, or less ang kaalaman nila or less ang galing nila,” sabi ni Boots.
Patuloy niya, ”At this age,sa lahat ng pelikulang ginagawa ko, I learned a lot from the people in the cast, ‘yung mga kasama ko, lalong-lalo na ang mga kabataan. Kasi fresh, intense and passionate ang mga batang ito. There’s so much to learn from them.”
Ang Dito Lang Ako ay showing na sa August 8. Mula ito sa direksiyon ni Roderick Lindayog.
MA at PA
ni Rommel Placente