Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TRAIN 2 isinulong

MAKARAAN maram­daman ng taong-bayan ang resulta ng TRAIN Law ay agad inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang TRAIN Law 2 o panibagong tax reform package.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang TRAIN Law ay makatutulong para sa mga maliliit na mang­gagawa at negosyante

Tinukoy ni Duterte na halos 99 porsiyento ng mga negosyo ay pawang mga kabilang sa micro small enterprise.

Kaya dapat ay maka­kuha ng maliit na pagbabayad ng buwis sa kanilang maliit na kita mula sa kanilang nego­syo.

Nanindigan si Dutete na hindi niya ipasusus­pende ang pagpapatu­pad ng TRAIN Law sa kabila ng mga panawa­gan.

Binigyang-diin ni Du­ter­te na malaki ang naging tulong ng naturang batas upang sa ganoon ay lalong maging matatag at umunlad ng ekonomiya ng bansa.

Isa sa mga ipinunto ni Pangulong Duterte na naging resulta ng TRAIN Law ay pagbibigay ng tulong sa senior citizens, aniya’y mahigit 40 porsiyento na ang naka­tatanggap ng benepisyo, kabilang ang Pangtawid Pamilya Program.

At kaniyang inaasa­han na sa susunod na mga araw ay mabibigyan pa nila ang 60 porsiyento ng nasabing sektor.

Idinagdag ni Duterte na patuloy rin ang pag­bibigay ng diskuwento sa mga pampublikong sa­sak­yan at libreng bigas para sa mahihirap.

Nanawagan si Duter­te sa Kongreso na sana ba­go matapos ang taon ay kanya nang malagdaan ang TRAIN Law 2 o pani­bagong tax reform package. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …