Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasong rape na isinampa kay Vhong, ibinasura

VINDICATED si Vhong Navarro sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo. Tuluyan na kasing ibinasura ito ng Department of Justice (DOJ). Base sa desisyon ng nasabing sangay ng gobyerno, hindi nila pinayagan ang apela ni Deniece na baligtarin ang naging review resolution ng DOJ Prosecutor’s General noong September 6, 2017.

Matatandaang binaligtad ng DOJ prosecutors ang naunang rekomendasyon ng korte na kasuhan ng panggagahasa si Vhong. Noon pang April, 30, 2018 inilabas ng DOJ ang desisyon tungkol sa kasong ito, ngunit nito lamang Huwebes, July 12, nakakuha ng kopya ang ABS-CBN News.

Base sa 20-pahinang desisyon ng DOJ, walang matibay na ebidensiya ang kampo ni Deniece upang sampahan ng kasong rape si Vhong. Ang nakasaad sa desisyon, ”There is no sufficient evidence to warrant indictment for rape and attempted rape, there is no compulsion to indict him accordingly. Cornejo suffers from a very serious credibility issue due to major inconsistencies.”

For the record, inihabla ni Deniece si Vhong ng kasong panggagahasa noong January 2014. Sa kanyang unang affidavit, sinabi niyang walang rape na nangyari. Ngunit sa kanyang pangalawang affidavit, sinabi niyang sapilitan siyang ginahasa ni Vhong. At sa kanyang ikatlong affidavit, sinabi nito na may nangyari talagang panggagahasa dahil siya ay parang nahilo dahil sa alak na may halong droga na ipinainom sa kanya ng TV host actor.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …