Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
pnp police

7K pulis ikakasa sa SONA

READ: PH major problems ilalahad sa 3rd SoNA ni Duterte

AABOT sa 7,000 pulis ang ikakalat sa Lunes, 23 Hulyo, para sa ikatlong State of the Nation Ad­dress (SONA) ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa sa Quezon City.

“Ito po ‘yung kabu­uang bilang ng mga ide-deploy o para sa pang­kalahatang security de­ploy­ment ng Security Task Force (STF) Kapa­yapaan na binubuo ng 13 Site Sub Task Groups (SSTGs),” ayon kay National Capital Region Police Office director, C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar.

Kahapon ay pina­ngu­nahan nina  Eleazar at Quezon City Police Dis­trict director, C/Supt. Joselito Esquivel, Jr. ang pagpupulong, kasama ang mga pinuno ng cause-oriented groups at ibang stakeholders, bilang pag­hahanda sa SONA 2018 ni Pangulong Duterte.

Layunin ng pag-uusap, na ginanap sa Quezon City Sports Club sa E. Rodriguez Sr. Bou­levard, na himayin ang mga partikular na ikina­babahala ng ilang cause-oriented groups at stake­holders, kabilang ang traffic re-routing schemes para sa tahimik at mapa­yapang SONA.

Napag-usapan at na­pag­kasunduan din sa pagpupulong ang tung­kol sa mass demon­stra­tion staging area at segu­ridad ng mga demonstra­dor.

Nagpasalamat si Elea­zar sa suporta ng mga pinuno na lumahok sa pag-uusap. “For the past two years, dahil may pag-uusap, nagkaroon ng kasunduan, at dahil may kasunduan nagkaroon ng guidelines o alituntunin na dapat tuparin; at dahil doon naiwasan ang mga ‘di pagkakaintindihan. We are hoping that everything will be in order,” anang NCRPO chief.

Kasabay nito, hiniling ni Task Group (TG) Quezon commander, C/Supt. Esquivel sa mga pinuno ng cause-oriented groups na i-identify ang kanilang marshalls sa pamamagitan ng pagsu­suot ng “identifying arm bands” upang madali silang makapag-co­ordi­nate sa PNP kung saka­ling magkaroon ng kagu­luhan.

Nakiusap din siya sa mga pinuno at sa mga lalahok sa demonstrasyon na matyagan ang kali­nisan ng lugar at  itapon nang maayos ang kani­lang mga basura bilang parte ng kasalukuyang pagsusulong at adbo­kasiya ng PNP sa pag­poprotekta sa paligid. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …