Monday , December 23 2024

Mega Q-Mart nasunog

NATARANTA ang mga tindero at mamimili nang sumiklab ang sunog sa Mega Q-Mart sa EDSA, Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (QC-BFP), dakong 4:44 am nang magsimula ang sunog at agad itinaas sa ikaapat na alarma.

Nasa 20 tindahan o stall ang naabo sa 25 porsiyentong bahagi ng palengke. Partikular na apektado ng sunog ang bahagi ng dry goods section.  Nadamay rin ang opisina ng palengke.

Tinatayang aabot sa P1 milyon halaga ng mga ari-arian at paninda ang naabo sa insidente. Idine­klarang under control ang sunog dakong 5:20 am.

Inaalam ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog. Walang iniulat na nasaktan o namatay sa insidente. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *