Monday , December 23 2024

Ba’t walang huling adik/tulak sa mga eskuwelahan?

BAD news ba kung ang balita ay walang nahu­huling adik o tulak na nambibiktima ng mga batang mag-aaral sa labas at kapaligiran ng mga esku­we­lahan?

At ang senyales ba ng walang nahuhuli ay  masasabi bang hindi nagtatrabaho ang pulisya natin? Kasagutan sa dalawang katanungan ay hindi bad news kung walang nahuli at lalong hindi rin senyales ito na hindi nagtatrabaho ang pulisya.

Sa halip, kapwa good news kung walang nahuhuli dahil patunay ito na nagtatrabaho ang pulisya.

Tulad na lamang sa mga eskuwelahan na nasa area of responsibility ng Quezon City Police District Anonas Station (PS9) na pinamumunuan ni Supt. Cipriano Galanida.

Simula nang magbukas ang klase, walang nahuhuling tulak sa paligid ng mga eskuwelahan ang QCPD Anonas Station (PS 9). Bakit?

Isa lang ang ibig sabihin nito, mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga tauhan ni Galanida sa labas ng mga eskuwelahan. Partikular na binabantayan ng Anonas (PS9) ay mga paaralang elementarya at high school.

Hindi naman siguro lingid sa kaalaman natin na ginagawa ng sindikato ang lahat ng paraan – mga bata o menor de edad na ang kanilang ginagamit o binibiktima hindi lamang para magtulak kung hindi binebentahan ng droga lalo na ang pinatuyong  dahon ng marijuana o ‘damo.’

Bukod dito, may mga naaresto nang mga bata na nagtutulak hindi lamang sa labas ng eskuwelahan kung hindi maging sa loob. Nakuhaan ng ‘damo’ sa bag. Kung hindi tayo nagkakamali ay Grade 6 iyong isa sa nadakip noon ng QCPD.

Ngayon, ba’t wala pang nahuhuli ang tropa ni Galanida sa tabi-tabi o paligid ng mga iskul na mambiktima ng mga mag-aaral? Hindi ba nagtatrabaho ang PS 9 lalo ang kanilang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kaya walang huli?

Hindi po, at sa halip ay hindi nagkukulang sa pagbabantay ang PS 9 sa mga eskuwelahan.

Walang nahuhuli dahil walang mahuli sa kadahilanang walang nakalalapit sa sindikato ng droga sa mga eskuwelahan. Bakit? Ito ay dahil sa presensiya ng mga pulis sa paligid ng iskul.

Kung baga, dahil sa “police visibility” sa mga eskuwelahan at walang humpay na pagpa­patrolya batay sa direktiba ni Galanida sa kanyang mga tauhan, natatakot nang lumapit ang mga nagtatangka.

Sa madaling salita, dahil sa aksiyon ng PS 9, nasasawata ang mga plano ng mga tulak o adik sa mga mag-aaral.

Ani Galanida, hindi lang pagbabantay sa mga sindikato ng droga ang pakay ng kampanya, kung hindi para na rin sa seguridad ng mga bata laban sa iba pang uri ng sindikato.

Dagdag din ng opisyal, ang hakbanging pagbibigay ng proteksiyon sa mga mag-aaral ay bahagi ng direktiba ni QCPD Director, Chief  Supt. Joselito T. Esquivel.

Ano pa man, iyan ang dahilan kung bakit walang nahuhuling adik/pusher sa paligid ng mga eskuwelahan, na mambibiktima ng mga batang mag-aaral o menor de edad.

Kaya, hindi dahil sa walang huli ay hindi na nagtatrabaho ang mga pulis at sa halip mahigit ang pagpapairal ng kampanya kaya, natatakot kumilos ang masasamang elemento.

Supt. Galanida, sampu ng inyong mga opisyal at tauhan sa PS 9, keep up the good work.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *