Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, ayaw magpa-double sa mga stunt sa Victor Magtanggol

DAHIL espesyal para kay Alden Richards ang pinakabago niyang proyekto sa GMA na Victor Magtanggol, siniguro ng Kapuso actor na siya mismo ang gagawa ng lahat ng action scenes.

Kinunan ang unang action scene ng Pambansang Bae sa isang palengke na tumalon-talon at nagpadausdos sa tiles.

Ayon kay Alden, first time niyang ginawa ang mga stunt sa ilalim ng patnubay ng direktor na si Dominic Zapata. Malaki ang naitulong ng kanyang parkour training bilang paghahanda sa mga ganitong eksena.

“Mostly kasi tipikal lang ‘yung mga fight scene na nagagawa ko with my past projects. Pero ito kakaiba. Na apply ko ‘yung natutuhan ko sa parkour,” ayon kay Alden.

Kaya naman kahit pagod, hindi ininda ni Alden ang hirap dahil enjoy siyang gawin ito para mapaganda lalo ang mga eksena.

“Gusto ko kasi ito. Ganoon ako ka-inlove sa project na ito. Sabi ko nga when I took this project, ibubuhos ko rito lahat,” dagdag pa ni Alden.

Marami pang ganitong eksenang gagawin si Alden para sa Victor Magtanggol na ang istorya ng buhay ay puno ng drama, aksiyon, at adventure na sumasalamin sa buhay ng bawat Filipino.

At dahil nakatutok at puspusan ang kanyang preparasyon sa bagong role, kahit nga buwis-buhay ang ilang stunts, gusto niya na siya mismo ang gumagawa ng lahat hangga’t maaari.

“I see to it na majority of the scenes dito ako talaga ang gagawa, lahat ng stunts ako ang gagawa,” sinabi pa ni Alden.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …