Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, may promise kay Julia: I promise to be a better man for you, for us

ISANG nagkukunwaring beki ang role ni Joshua Garcia sa pelikulang I Love You Hater na pinagbibidahan din nina Julia Barretto at Ms. Kris Aquino handog ng Star Cinema at mapapanood na sa July 11.

Nang matanong si Julia kung sino ang mas endearing, ‘yung bading na Joshua at straight na Joshua, sinagot ito ng dalaga ng, “of course the super straight Joshua. Iba talaga magmahal ang isang Joshua Garcia!”

Nang tanungin kung kinokompirma ni Julia na sila na nga ng binata, humingi naman ito ng tulong kay Kris. At sinabi ni Tetay na hindi dapat si Julia ang magsabi niyon kundi si Joshua ang nararapat at sinabing, “Ang lalaki ang dapat may paninindigan.” At doon biglang ipinakita ni Julia na nalalaglag siya sa kanyang kinauupuan.

Nang tanungin ni Kris si Joshua kung mahal niya si Julia, sinagot niya iyon ng, “Yes!” na lalong ikinatili ng fans. At sinundan iyon ng tanong pa ni Kris ng, “Is Julia Barretto your girlfriend?”

Sagot ni Joshua, “Hindi ko pa masabi Tita.”

“Why,” tugon ni Kris. At sinagot siya ng binata ng, “Sa tamang panahon.”

At pinag-promise na lang ni Kris si Joshua na maging faithful si Joshua kay Julia. “Baba, I promise to be a better man for you, for us.”

Samantala, aminado si Joshua na nahirapan siya sa pagganap na isang beki sa pelikula nilang I Love You, Hater.

Aniya,”Struggle lahat. Lahat-lahat actually. Kasi, sinabi ko kay Direk, ang hirap ng nagpapanggap ka, lalaki ka eh, na nagpapanggap ka na isang beki, sobrang hirap.

“Tapos, ‘yung emosyon pa, hindi siya pataas talaga, pababa, tataas, bababa. So para sa akin, sobrang hirap.

“Siyempre ginabayan lang talaga ako ni Direk at niyong mga make-up artist namin sa set, tinutulungan nila ako.”

Nakatrabaho na ni Joshua si Direk Giselle Andres na assistant director sa Barcelona: A Love Untold na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa kabilang banda, natanong si Direk Giselle kung bakit I Love You, Hater, ang titulo ng kanilang pelikula.

“I Love You, Hater, actually noong nag-iisip kami kung ano ‘yung pinaka-fit, basically ‘yun ang nag-up kasi,” tugon ng director. “At first haters dito sina Joshua and Julia as you’ve seen sa trailer and ‘yung pinaka-message rin ng movie ‘yun ‘yung pinipili na even if you’re a hater, I will choose to love you, kaya I love you hater.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …