Friday , November 15 2024

‘Wag naman silang kalimutan

SINO? Ang mga totoong “bida” sa iba’t ibang drug operations. Madalas kasing nakalilimutan ang mga tunay na frontliner habang nagiging pogi sa magagandang accomplishment ang ilan/mga opisyal na wala naman kinalaman o nalalaman.

Bagamat, may mga opisyal naman na kinikilala ang trabaho ng kanilang mga tauhan – ni Major, ni Tiyente, ni Sarhento, ni SPO1 pababa hanggang PO1. Inihaharap para ipakilalang sila ang tunay na nagtrabaho. Lamang, bihira lang ang opisyal na may ganitong ugali.

Ano pa man, talagang SOP na yata iyon, ang mga matataas na opisyal ang masusunod o magpi-presenta ng malalaking huli o accomplish­ment. Ganoon talaga iyon.

Hindi bale, kikilalanin natin ang mga opisyal at tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5, na nasa likod ng na­kompiskang P2.4 milyon halaga ng shabu nitong nakaraang linggo.

Nitong 16 Hunyo 2018, ang Fairview PS 5 Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ay may huling P2.4 milyon halaga ng shabu. Siyempre, sa naglaba­sang ulat – pahayagan, telebisyon at radyo, mga tanging kinilala o nabanggit sa malaking trabaho ay mga kilalang personalidad habang ang mga totoong bida ay nawala sa eksena.

Sa malaking accomplishment ng PS 5 na pinamumunuan ni Supt. Benjamin Gabriel bilang station commander, pinangunahan ito ni Chief Insp. Don-Don Llapitan, SDEU. Dalawang kilalang tulak ang nadakip sa buy bust. Hindi sila residente ng Fairview kung hindi kapwa dayo o mulang Lipa, Batangas.

Ayon kay Llapitan, ang dalawang nadakip ( magpinsan) na sina Martin Morales, 21, at Paulo Morales, ang nagbabagsak ng droga sa Greater Fairview.

Sa tulong ng asset, ikinasa ng SDEU ang buy-bust laban sa magpinsan makaraang magpositibo ang surveillance ng tropa ni Llapitan kaugnay sa ilegal na aktibidad ng dalawa na kapwa estudyante.

Dakong 1:00 am, 16 Hunyo, bumili ng P76,000 halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer sa dalawa, sa Camaro St., Brgy. Greater Fairview, QC. Dumating ang dalawa sa area sakay ng puting Honda CRV.

Nang magkaabutan, dinakma na ng tropa ni Llapitan ang magpinsan. Bukod sa P76K halaga ng shabu, nakompiska pa sa loob ng sasakyan ng dalawa ang sampu (10) pang malalaking plastic bag na may lamang shabu na nagkaka­halaga ng P2.4 millon “street value”. Nakuha rin kay Martin ang isang kalibre .38.

Napakasuwerte ng dalawa – oo, buhay po kasi sila. Hindi naman kasi nanlaban. Iyon nga lang, medyo may pagkapalos ang tatlong kasabwat ng magpinsan. Nagawa nilang takasan ang tropa ng SDEU.

Nagawang makatakas nina Maria Theresa Marcelo, nanay ni Paulo at tiyuhin nitong si Marlon Morales at isang Victorio Pascual Jr., sakay ng isang puting Toyota Hi Ace. Hinahanting na sila ng pulisya.

Ayon kay Gabriel, sa pagkakahuli ng dalawa, hindi lamang ang pagkakalat ng droga ang maikokonsiderang nasugpo o bumaba sa Greater Fairview kung hindi maging ang krimen dulot ng dro­ga.

Iyan ang Fairview PS 5 at SDEU kung mag­trabaho, para sa mamamayan at hindi para sa sarili.

Ops, sino-sino pa ba ang nasa likod ng mata­gumpay na operasyon at iba pang drug operations ng SDEU?  Kilalanin din natin sila – ang mga tunay na bida – PO2 David Clamor Jr.; PO1 Raymark Paligutan; SPOs1 Christopher Esto; Cyrus Ivan David; Noel Balleras; PO3 Jessie Sigesmundo; POs2 Ferdinand Faraon at Ruel Nasaan; POs1 James Patrick Castillo; Michael Angelo Magsino; Leehero Torres; Eric Quiambao; Andrew Ocasla; Danilo Allam; Robernard Majello; david Clamor; Ronnie Cuenco; Ronald Ceniza; Michelle Alday; Aldren Laoreno; John Paul Balabbo; at Shaira Tamayao.

Supt. Gabriel, C/Insp. Llapitan, sampu ng inyong mga tauhan sa SDEU, kayo ang mga tunay na bida. Congratulations for a job well done.

Siyempre, ang mga operasyon ng PS 5 SDEU ay tugon sa direktiba ni QCPD Director, Chief Supt. Joselito T. Esquivel.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *