Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tom, nagiging doktor ni Jen sa tuwing aatakihin ng allergies

KAHIT na magkaibigan sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, hindi nagkakailangan sina Tom at Jennylyn Mercado sa mga medyo intimate scenes nila sa The Cure bilang mag-asawa.

Girlfriend ni Dennis si Jennylyn at mag-asawa ang papel nina Tom at Jennylyn sa serye.

“It’s work,” bulalas ni Tom tungkol dito.

Magkaibigan sina Tom at Dennis at iisa ang manager nila, si Popoy Caritativo.

Samantala, nagmistula palang doktora ni Tom si Jennylyn!

Madalas kasing atakihin ng allergies si Tom lalo na kapag bumibiyahe at sumasakay sa eroplano, pero dahil sa mga tips sa kanya ni Jennylyn ay nawala na ang allergy attacks niya.

“Thank you sa mga itinuturo niya sa akin kasi ngayon my plane rides are comfortable. Kasi rati, nag-a-allergy ako, hatsing ako ng hatsing [sneeze] sa eroplano.

“Pero ngayon I just use lavender and peppermint oils, wala na, pati migraine ko nawala.

“Oilbularyo na rin ako ngayon, I just put lavender and peppermint para mawala ‘yung allergies ko.

“I’m happy with the benefits I get from them.”

Co-stars sina Tom at Jennylyn sa The Cure ng GMA kaya madalas silang nagkakakusap, lalo na kapag break sa taping.

At kung may mga natututuhan si Tom kay Jennylyn ay may mga kaalaman ding naibabahagi si Tom sa aktres.

Maraming scientific facts na alam si Tom dahil mahilig itong mag-research.

“Nahihiya na nga ako sa kanila kasi non-stop akong magsalita sa set, sa taping,” at tumawa si Tom.

Ano ba ang mga itinuturo niya kay Jennylyn about science?

“Ah kung ano-ano lang, eh! Minsan about lang sa mga nare-research ko.”

Pareho sila ni Rafael Rosell na maraming alam tungkol sa mga kung ano-anong bagay, mapa-science man, technology o current events.

“Kaya I’m happy to be part of Luminary, ako, si Raf, si Dennis, si JC.”

Intense  kung magkuwentuhan silang apat nina Rafael, Dennis, at JC Tiuseco na pare-parehong nasa pangangalaga ng Luminary Talent Management ni  Caritativo.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …