Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wrong outlook in life at ‘di wrong grammar, ang gustong iwasto ni Greta

BINURA pero na-upload pa rin ng ilang netizen ang Instagram video na ipinost ni Gretchen Barretto kasama ang dalawang babaeng kaibigan.

Binatikos kasi lalong-lalo na si Gretchen ng marami sa mga nakapanood ng video na pinagtatawanan nila ang lumiham sa aktres upang humingi ng tulong.

Ang pagkasablay daw kasi sa grammar ng letter sender ang tampulan ni Greta at ng kanyang grupo, bagay na kinontra naman ng ilan na nagsabing ang magulo at paligoy-ligoy na paraan ng lumiham sa paglalahad ng kanyang problema ang siyang pinagtawanan.

Our take on the issue.

Sa aminin man natin o hindi ay nagiging source of laughter naman talaga ang taong mali-mali ang Ingles, ke oral o written pa ang nagsasalita. Parang humahanap tayo ng dahilan para makita kahit paano ang amusing side sa likod ng isang malungkot na kuwento.

Tandang-tanda namin noong magkakasama kami ng kaibigang Jobert Sucaldito at Gorgy Rula sa The Boy Abunda Radio Show. Kaming tatlo ang tumimon sa kabuuan ng programa in Kuya Boy’s absence noong araw na ‘yon.

May binasa kaming selyadong sulat mula sa isang beauty queen-turned-actress. Hindi na namin babanggitin pa ang kanyang pangalan, pero sikat siya sa kanyang mga klasikong boo-boos pagdating sa Ingles.

Bahagi ng kanyang liham ay ang linyang, ”I’m coming home on the 21th (sa halip na twenty first) of August. See you” or words to that effect.

Admittedly ay ikinatawa namin ang “twenty oneth” na nasa sulat ng aktres. Pero dahil sanay na kami sa kanya, siya lang at wala nang iba ang makakagawa niyon na cute ang dating.

Back to Gretchen. Kung totoong maling grammar ang pinagtatawanan nila, sana’y hindi na lang in-upload mismo ni Gretchen ang pagbabasa nila ng sulat. Puwede naman kasi nilang enjoy-in ang nilalaman ng sulat nang sila-sila lang without making it public.

Pero marahil, ikakatwiran ni Greta na kaya niya ‘yung in-upload ay dahil in the first place, she believed na walang ibig sabihin ang tawanan ng kanyang mga amiga. Kung malisyoso nga namang maituturing ‘yon, bakit niya para isapubliko ‘yon at umani ng batikos?

Siguro, mas tingnan na lang natin sa pangkalahatan ang layunin sa likod ng letter-reading na ‘yon. Ang liham ay mula sa isang taong lumalapit at nanghihingi ng tulong mula kay Gretchen na marami-rami na rin ang natulungan.

Puwede ring mensahe ‘yon ni Gretchen na anumang mabigat na dalahin natin sa buhay, kapag idinaan sa pagngiti o pagtawa ay nakagagaan ng kalooban.

Hindi ang wrong grammar, kundi ang wrong outlook in life marahil ang gustong iwasto ng dating Sex Goddess.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …