Sunday , December 22 2024

Isapubliko

HINIHIMOK ng ilang eksperto na isapubliko ng Filipinas ang diplo­matic protests laban sa mga pinaggagawa ng China sa West Philippine Sea dahil hindi umano sapat ang pag-file ng Maynila ng note verbale laban sa Beijing.

Naulat na tinukoy raw ni Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) director Gregory Poling na ang tanging paraan para  makumbinsi ang China na ituring ang ating claims nang naaayon sa international law at tratuhin nang patas sa mga kalapit nating bansa ang gamitan sila ng international pressure, maging diplomatic man o economic, upang makumbinsi sila na may kailangang pagbayaran ang kanilang ginagawa.

Hindi raw makatutulong ang tahimik na pagbibigay ng notes sa Beijing at pagtanggi na kilalanin ang kanilang pangha-harass. Sa nakalipas na dalawang taon ay nadagdagan ang militarisasyon ng China, pangha-harass sa tropang Filipino, economic activities sa ating karagatan, mga pangako ng pamumuhunan na hindi pa nagkakatotoo, pag-uusap ukol sa code of conduct at pagsasanib tungo sa kaunlaran na mukhang wala umanong pupuntahan.

Ayon sa ulat, kabilang umano sa note verbale ng Filipinas laban sa China ang mga insidenteng naganap sa West Philippine Sea tulad ng instalasyon ng mga missile sa Spratlys at pangha-harass ng mga helicopter ng navy ng China sa rubber boat ng Philippine Navy habang nagdadala ng supplies sa ating mga sundalo sa Ayungin Shoal nitong nakalipas na Mayo 11.

Nagpahayag ang security expert na si Rommel Banlaoi na makabubuti kung isasapubliko ng Filipinas ang dip-lomatic protests na sa tingin nito ay makapagpapakalma sa pagdududa ng mamamayang Filipino.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Caye­tano, ang negatibong verbal comment ay maituturing na diplomatic protest. Pero ang puna ni Magdalo Representative Gary Alejano, kung sa palagay raw ni Cayetano ay maituturing na diplomatic protests ang simpleng nabanggit na salita ay ano ang ipinagkaiba nito sa isinulat sa tubig? Tinukoy ni Alejano na ang diplomatic protest ay dapat nakasulat o nasa written form. Magsisilbi raw itong rekord sa kasaysayan kung paano tayo tumugon sa mga paglabag na ginawa sa atin ng ibang bansa.

Nang makipagpulong si President Duterte kina Secretary Cayetano at Philippine Ambassador to China, Chito Santa Romana ay binanggit ng Pangulo na concerned daw siya sa kaligtasan ng mga kawal na Filipino kaugnay ng pangha-harass ng China sa rubber boat ng Philippine Navy.

Gayonman ay wala ring nabago. Nananatili pa ring nakatali ang kamay ng Pangulo para umiwas na makadigmaan ang China. May mga nagtatanoong tuloy kung may hawak ba ang China laban kay Duterte?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *