Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis na piskal ng Ombudsman patay sa saksak (Sa harap ng lotto outlet)

PATAY ang lady Ombudsman as­sistance prosecutor na kalaunan ay na­tuklasang buntis, makara­an pagsak­sakin ng hindi kilalang lalaki habang nakatayo sa harapan ng isang lotto outlet sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat na ipinadala ni Quezon City Police District (QCPD) director, C/Supt. Joselito Esquivel Jr., kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang napatay ay kinilalang si Atty. Madon­na Joy I. Ednaco-Tanyag, Assistant Special Prose­cutor ng Office of the Ombudsman, at residente sa Rancho 3, Concepcion 2, Marikina City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 11:20 am, nang maganap ang krimen  sa harapan ng lotto outlet sa 51 Visayas Avenue, Brgy. Vasra, Quezon City.

Nakatayo ang abogada nang lapitan ng suspek at walang habas na pinagsasaksak.

Isinugod sa East Ave­nue Medical Center si Tanyag ngunit idinek­larang dead on arrival dahil sa  mga saksak sa katawan.

Posibleng simpleng panghoholdap ang naga­nap ngunit nanlaban ang biktima na humantong  sa pananaksak ng suspek.

Magugunitang nitong 11 Mayo 2018, tinam­bangan at napatay ng mga armadong kalalaki­han si Quezon City De­puty Prosecutor at Chief Inquest Rogelio Alfiler Velasco, sa Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit,  Quezon City.

Patuloy ang isi­na­gawang imbes­tigasyon at pinag-aaralan ang kuha ng CCTV sa lugar para sa posibleng pag­kakaki­lanlan ng suspek.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …