Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quarry Quarrying

Quarrying sa Montalban iprinotesta

NANAWAGAN ang ilang mga grupo sa pangunguna ng Ba­ngon Kalikasan Montalban at Bantay Kalikasan kasama ang ilang mga pari, pastor at iba pang grupo ng simbahan, kabilang ang homeowners’ associations at transport groups laban sa patuloy na pagkakalbo ng Mount Parawagan.

Apektado ang mga ba­rangay ng Burgos, Manggahan, Balite, San Rafael, San Jose at pinakamalawak sa San Isidro na kontrolado umano ng pamilyang Hernandez.

Nagdaos ng kilos protesta kaninang umaga ang iba’t ibang grupo sa Montalban Town Plaza, sa lalawigan ng Rizal, upang kondenahin ang ilegal na pagmi­mina at quarrying sa nasabing bayan na nakalulusot sa pani­niwalang may proteksyon ni Montalban Mayor Ilyong Hernan­dez at anak na si Vice Mayor Tomtom Hernandez.

Bukod sa mga Hernandez, kanila ding kinondena ang Millex Inc., at Majestic na pag-aari umano ni former Environment secretary Mike Defensor.

“Nakatatakot talaga dahil tanaw lang sa bahay namin ang bundok na ginagawa ang quarrying, kawawa ho kaming mga residente dahil kami ang mapapahamak sakaling mag­karoon ng mga sakuna. Halos walong taon na po nasa panga­nib kaming mga residente ng Montalban kaya panahon na para ipaalam sa kinauukulan,” ani Manny Torres, spokesperson ng nasabing grupo.

Tinutukoy ni Torres ang quarrying na nagaganap sa Mt. Parawagan katabi ang Gloria Vista subdivision at marami pang ibang mga pamayanan sa iba’t ibang barangay na naunang nabanggit.

“Nananawagan ho kami kay Presidente Duterte, DENR Secretary Roy Cimatu at maging kay Governor Ynares na tingnan naman po ang sitwasyon namin dito at ‘wag na tayong maghintay pa ng sakuna bago umaksiyon. Maawa naman po kayo! Buhay at kinabukasan po namin ang nakasalalay dito. Tigilan na ang illegal mining at quarrying dito sa Montalban.”

Ganito rin ang panawagang inihayag nina Fr. Noe Elnar at Atty. Rodolfo Melizza ng Gloria Vista Homeowners’ Association.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …