Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong at Anne, nagdayaan sa pag-ibig

DAYAAN sa pag-ibig. Ito ang ipinakikita ni Direk Irene Villamayor sa kanyang bagong handog na pelikula mula Viva Films at N2 Productions, ang Sid & Aya: Not a Love Story na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na mapapanood na sa Mayo 30.
Anang director, ipakikita nina Anne at Dingdong kung paano nagkakagaguhan sa pag-ibig. Kaya nga nasabi nila na hindi lahat ng I love you ay may love story.
Si Direk Irene rin ang sumulat kuwento nito na dumayo pa sila sa Japan para doon kunan ang ilang mahahalagang eksena.
Bale ginagampanan ni Dingdong ang karakter ni Sid, isang insomniac, habang si Anne naman ay si Aya, ang misteryosang babae na makikilala at uupahan niya para makaraos sa lungkot ng mga gabing ayaw siyang dalawin ng antok.
Sa trailer na ini-release ng Viva, kitang-kita ang lakas ng chemistry ng dalawa, lalo na sa mga maiinit nilang eksena na inilarawan nga ni Dingdong na “pang-millennial”.
Aniya, ”It was very now, very fresh. It was beautifully done by Direk Irene. Basta you have to watch it para kayo na ang magsabi kung anong klase siya.”
Sambit naman ni Anne, ”I guess, for me, it’s really how Direk Irene chose to attack the love scene. Hindi siya ‘yung typical atake siguro ng mga dramatic film.”
Pero bago ang showing, may mall tour muna ang mga bida ng pelikula: ngayong araw sa Ayala Malls Cloverleaf, 4:00 p.m.; Gateway Cineplex, May 26, 4:00 p.m. at Ayala Malls Feliz, 6:00 p.m.; SM City Bicutan, May 27, 4:00 p.m. at SM City Sta. Rosa, 6:00 p.m..
Magkakaroon din ng Red Carpet Premiere ang Sid & Aya sa May 28, 7:30 p.m. sa TriNoma Cinema 7.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …