Monday , December 23 2024

Antipolo Police, ‘di na nahiya kay RD Gen. Eleazar!

SINO ba ang hepe ng Antipolo City (Rizal province) Police? ‘Este, hindi raw police chief ang tawag kung hindi City Director. Ganoon ba?
Ano man ang tawag diyan, ang importante ay may silbi ba ang hepe na kasalukuyang nakaupo sa estasyon?
Base kay Mr. Google, ang city director ng Antipolo Police ay si Supt. Serafin Petalio II. Well, matagal-tagal na rin daw si Petalio sa estasyon ngunit bakit tila never heard ang mama – para bang wala pa akong nababalitaang nagawang malaki-laking trabaho ang opisyal.
Bagamat, ang iba siguro ay kilala nila si Petalio sa pagtatrabaho. Kaya, malamang may magagandang trabaho rin ang opisyal. Sige, saludo po tayo riyan.
Sa pagtatanong sa ilang kasamahan, okey naman daw ang opisyal —– kahit na paano ay may mga accomplishment ang mama hinggil sa giyera laban sa droga bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo at Philippine National Police, laban sa kriminalidad, droga at iba pa.
Ayos naman pala si Petalio, may kagalingan naman pala ang mama. Iyon nga lang, saan naman siya magaling? Saan nga ba magaling si Petalio? Ikaw alyas “Pulis Rene” alam mo ba kung saan magaling si hepe?
Si alyas “Brigette” kilalang VK Queen ng lungsod, alam niya kaya kung saan magaling si Petalio II? He…he…he…
Pero ano pa man, sinasabing magaling at masipag na opisyal si Petalio. Sige na nga magaling na kung magaling ang mama. In fairness naman sa kanya bagamat, honestly ay wala pa akong masyadong naririnig na magagandang trabaho ang opisyal.
Sorry sir ha!
Katunayan, kahit nga ngayon sa ilalim ng liderato ni Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang PRO IV – A, ay wala pa akong nababalitaan na accomplishment ang mama habang ang nakararaming estasyon ng pulisya sa iba’t ibang PPO na nasa ilalim ng PRO IV-A ay may magagandang accomplishment.
Kung magkagayon, bakit nasa poder pa ng Antipolo City Police si Petalio? Well, marahil isa nga siyang magaling na opisyal kaya hindi pa siya sinisibak ni Eleazar. Suwerteng bata.
Anyway, sa kagalingan nga ni Petalio, mahigpit niyang ipinaiiral ang direktiba ni Eleazar laban sa lahat ng klase ng kriminalidad sa lungsod para walang makalulusot na kalaban. E, si alyas “Brigette,” paano nakalusot?
Okey naman pala si Mr. Petalio e. Pero sa sobrang kagalingan ni Petalio ay dalawang beses na siyang nalusutan ng malalaking patayan. Anong say mo alyas “Pulis Rene.”
Dalawang beses nang nalusutan ng riding-in-tandem si Petalio. Oo, magkasunod pa ang pag-atake. Hindi basta pipitsugin ang tinira ng tandem kung hindi isang opisyal ng PNP – hepe ng  PRO 4-A Legal Division na si Supt. Ramy Tagnong. Kasama ni Tagnong nang tambangan sa Brgy. Dalig 1, Antipolo. Take note Mr Petalio… sa Antipolo nangyari ha… ang live-in partner nitong si Maria Angelica Hadap. Nakaligtas naman ang babae sa ambush.
Nakaalerto pa ang Antipolo City Police niyan ha, nang maganap ang ambus. Ha! Nakaalerto si Petalio. Paging General Eleazar. Nakaalerto raw o. Si RD Eleazar, maaari pa pero, si Petalio…ewan. Anong ewan? Nakaalerto naman ang mama. Masipag at magaling ngang hepe si Petalio.
Nitong 4 Mayo 2018, tinambangan sina Tagnong at Hadap at hanggang ngayon ay wala pa tayong nababalitaan hinggil sa development ng kaso. Hindi pa ito nalulutas ni Petalio? Malulutas din ni Petalio iyan. Magaling kayang opisyal si Petalio. Saan magaling? Saan nga ba?
Makalipas naman isang linggo, sa kabila ng nangyari kay Tagnong at pagkaalerto para sa barangay election, hayun, tutulog-tulog pa rin ang Antipolo Police. E, si Petalio, tutulog-tulog din ba? Si Gen. Eleazar, halos wala nang tulog simula nang maupo bilang RD.
Yes, 10 Mayo 2018, sa kabila ng lahat ay nalusutan na naman ng tandem si Petalio. Ano ba iyan? Inambus at napatay si barangay chairman Danilo Laciste ng Brgy. Pintong Bukawe, San Mateo, Rizal. Tanghaling tapat nang tirahin si Laciste sa Marcos Highway, Brgy. Inarawan, Antipolo City. Take note again Mr. Petalio, Antipolo City ulit ‘yan!
Nangyari sa Barangay Inarawan na nagkalat umano ang video karera ni alyas “Brigette.” ‘Di ba alyas “Pulis Rene?”
Maaalala rin na noong Disyembre 2017, inambus at napatay si retired Sr. Supt. Ruel Rama sa Brgy. Mayamot, Antipolo City… at hanggang ngayon ay hindi pa yata nalulutas ang krimen. Si Petalio ang hepe nang maganap ang ambush. Take note again Sir Eleazar.
Anyway, correct me, Sir Petalio kung mali po ako – sa pagsasabing hindi pa nalutas ito. Lamang ang punto dito ay nalusutan ang Antipolo sa kabila ng lahat.
Well, hindi naman natin ipinasisibak sa Antipolo Police si Petalio pero puwede rin. Lamang, hindi ba nahihiya ang Antipolo city police kay RD Eleazar? Panay ang trabaho ni RD at ginagawa ang lahat pagkatapos heto ang Antipolo city police magkasunod na nalusutan ng tandem?
Bakit nga ba nalulusutan ang Antipolo city police? Ano ba ang pinagkakaabalahan ng pulisya nila? Ikaw alyas “Pulis Rene” ano nga ba?
Paging RD Gen. Eleazar, hindi kaya “taingang kawali” ang Antipolo city police sa inyong direktiba? Nagtatanong lang po. A basta, masipag at magaling daw na opisyal si Petalio. Sige na nga. Saludo ako sa kagalingan mo Kernel Petalio II.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *