MATUTUNGHAYAN na sa Mayo 16 at 17 ang mga dulang inihanda ng mga student director mula sa University of the Philippines, Los Banos bilang parte ng Theater Festival na Tingkala!
Mapapanood ang mga dulang idinirehe ng mga estudyante sa THEA 109 Directing Class ang Miss Dulce Extranjera, na isinulat ni SIR Anril Pineda Tiatco sa Mayo 16 (4:00 p.m.) at 17 (7:00 p.m.) sa NCAS Auditorium ng University of the Philippines, Los Banos. Ito’y ididirehe nina K. A. Nicasio at Shelly Lacap.
Ang Miss Dulce Extranjera ay isang dula base sa maraming documental historical. May dalawang manunulat ang sumali sa isang competition, na sina Dr. Jose Rizal at Josephine Bracken ang kanilang main subject at kung paano sila nagtalo sa iba’t ibang pangyayari sa kanilang buhay.
Mapapanood ang Miss Dulce Extranjera sa halagang P80. Matatagpuan ang kanilang ticket boot sa CAS Annex 2 Lobby. Para sa ibang katanungan, makipag-ugnayan kay Bianca sa 09060218207.
Bukod sa Miss Dulce Extranjera, mapapanood din ang Huling Gabi Sa Maragondon, Nana, Awdisyon, Tatlo-Tatlo, Anim Na Tauhan Na Naghahanap ng Isang Mangangatha sa Mayo 16 at 17.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio